Rain’s POV Para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Halos hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Nasa keen’s lab pa rin ba ako? “Gising na siya.” Sabi ng pamilyar na boses. “Rain. Si Tymee ‘to. Anong nararamdaman mo?” Tanong niya pero may isang tao ang bigla na lang pumasok sa isipan ko nang maalala ang mga nangyari. “S-si Thunder?” Tanong ko at para bang nagkaroon ako bigla ng lakas dahil nagawa kong makabangon. Naluha ako nang muling maalala kung paano niyang sinalo ang bala na dapat ay para sa akin. “Si Thunder nasaan?” Tanong ko ulit dahil hindi nila ako sinagot. Tanging si Matthew at Tymee lang ang kasama ko rito sa loob ng kwarto. “Alam kong hindi ka maniniwal

