“Here she is.” Masayang bungad ni Apollo mula sa likuran ni Keith na kasalukuyan namang may pilit na ngiti sa mga labi nito habang pinakikilala siya ng kaibigan niya sa isang babaeng hamak ang tanda sa kanila, “Please take care of her, Mrs. Costales.” Wika ng binata.
“Masusunod po, young master,” sagot ng babae kasabay ng pagyuko nito bilang tanda ng paggalang.
“Alright, I will leave you for now, and make sure she’s in good hands, okay?” Saad ni Apollo bago siya umalis. "Aasahan ko na maayos mong maipapaliwanag ang lahat, okay? See you after 2 weeks."
“Opo, young master. Mag-ingat po kayo sa business trip ninyo.”
"Of course, I will. Ayokong maging byuda ang asawa ko." Saad nito habang naglalakad, pero kahit hindi nila nakikita ang mukha ng binata ay halata sa tono ang nakakalokong ngiti nito.
Hindi akalain ni Keith na heto siya ngayon at nagtatrabaho para sa kaibigan niya. Buong buhay niya hindi niya inakala na gagamitin niya ang kaibigan niya para makakuha ng trabaho. Pero wala na siyang magagawa, nangyari na.
Hindi niya kasi kakayanin na maging delivery personnel sa umaga at cashier sa gabi, kasabay ng paghahanap niya sa kapatid niya kaya naman, ito na lang ang best choice na nakikita niya.
Samantala ang tren ng mga iniisip niya ay naantala ng marinig niya na nagsalita ang babae. Ngayon na sila na lang dalawa ang magkasama, dito mas napansin ni Keith ang katarayan ng babae. Ang mga tingin nito sa kanya ay para bang titirahin siya ng baseball bat sa ulo pag nagkamali.
Napalunok na lang siya ng humarap na ito sa kaniya, "Ako si Primitiva Costales, ang head maidservant dito sa bahay na ito. Matagal na akong nagtatrabaho dito bago pa man ipanganak ang young master kaya kung may tanong ka tungkol sa bahay na ito, pwede kang lumapit sa akin." Ngiti nito.
Litong-lito si Keith sa mga pinapakita ni Mrs. Costales, hindi niya malaman kung mabait ba o mataray siya, pero sa palagay niya, talagang masungit ang nakakatanda.
"Maganda umaga po, ako po si Keith Dary–"
"Kilala na kita, na-background review kana bago ka pa man ipinakilala sa 'kin ni Apollo."
Napamulagat na lang si Keith sa narinig niya, "Background check?! Totoo ba? Grabe naman, akala ko sa mga movies lang 'yon nangyayari. Bigatin nga talaga 'tong pamilya ng ungas na 'yon."
"Tutal nandito na lang rin tayo sa labas, unahin na natin ang garden." Saad ni Mrs. Costales na mabilis na naglalakad papunta sa direksyon ng garden.
Si Keith ay nakasunod lang sa kanya na 'di makapaniwala na mabilis pa rin kumilos ang matanda. "Garden ang pinaka minamahal na parte ng mansyong ito, kaya naman wala ni isang halaman ang dapat maiwang tigang o mamatay. Marami sa mga halamang nandito ay buhay na bago pa man naipatayo ang bahay, kaya naman gano'n na lang ang ingat ng master at mistress dito, kuha mo?"
"Opo." Mabilis nitong tugon.
Habang naglalakad sila ay inililista na ni Keith sa utak niya ang mga klase ng halaman sa garden at kung paano ito dapat alagaan. Kung ilang beses ito diligan sa maghapon o sa isang linggo, kasama na rin ang mga naliligaw na fan fact ng head servant.
"Tandaan mo, alas singko ng umaga gumigising ang mga kasambahay. Dapat na mas maaga ka gumising kaysa kay Apollo at dapat nakahanda na ang lahat bago pa niya itapak ang paa niya sa sahig."
"Opo." Sagot nitong muli, ‘Grabe, ‘di ko expect, prinsipe pala ‘yon.’
"Pero may mga araw na tinatamad bumangon si Apollo kaya kami na lang ang pumupunta para hatdan siya ng pagkain."
"Pambihira naman, mas magilas pa ang bunso namin kaysa sa kaniya." Ismid ni Keith, pero nanatiling nakatikom lang ang bibig nito at hindi pinarinig ang nasasaisip niya. "Pero ngayon ko lang napansin, nasaan nga ba ang parents niya, 'di ko nakita buong umaga."
"E-Excuse me po, kung 'di nyo po mamasamain, nasaan po ba ang mga parents ni Apollo– young master?"
"Bata pa lang si Apollo, madalas ay nasa ibang bansa ang mga magulang niya, business trips. Halos minsan isang taon na lang sila umuwi dito sa bahay." Sagot ng matanda. "Minsan isang taon na nga lang silang magkita, may pagkakataon pa na hindi nagkakatugma ang oras ng bakasyon nila. Last year lang nagpasko at bagong taon mag-isa si Apollo dito sa bahay. Dahil nasa Russia ang dad niya at Canada naman ang mom niya at kami namang mga kasambahay ay syempre umuuwi rin kami sa mga pamilya namin kaya siya lang ang laman ng mala-palasyong bahay na 'to noon.
"Ang pagiging solong anak ay parehong swerte at malas. Swerte, dahil wala kang kahati sa kahit ano, pero malas dahil napakalungkot no'n, ramdam mo na wala kang kasama."
Hindi mapigilan ni Keith na umawang ang bibig niya ng marinig niya ang kwento. Dahil sa pagkaka-alaala niya, tumawag sa kanya si Apollo christmas last year. Tinatanong siya kung pwede ba mag-stay over sa bahay nila ang binata dahil bored siya.
Pero agad napasara ang bibig ni Keith ng mapakagat ito sa ibabang bahagi ng labi niya ng matandaan niya kung paano niya pinagalitan ang binata dahil sa mas pinipili niya pa na sumama sa kaibigan kaysa magbigay ng oras sa pamilya niya.
Hindi mapigilan huminga ng malalim ni Keith sa mga realizations niya, "He needed me that time, and I wasn't there for him."
"Tanga mo, Keith." Bulong niya sa sarili niya.
Dito na napagtanto ng dalaga na kahit sa edad ni Apollo na 25, ay nangungulila pa rin ito sa atensyon at presensya ng magulang niya. Kaya siguro gano'n na lang kagulo at kapilyo minsan ang binata pagdating sa kanya dahil sa ganoong paraan nito nakukuha ang atensyon na hindi niya nakuha sa pagkabata niya.
"Hoy, ano pang tinatayo-tayo mo d'yan, ha? Bilisan mo, 'di ka pinapasweldo sa pagtayo lang." Angil ng matanda na mabilis napalitan ng ngiti, "Good morning, Peiky."
"Good morning, Mrs. P." Bati pabalik ng isang lalaki. "Ano pong ginagawa n'yo dito?"
"May ipapakilala lang akong bagong kasama natin." Saad ni Mrs. Costales, sabay hawig kay Keith.
“Hi, I’m Keith Daryl Dresnos, pero pwede mo akong tawaging Keith or Kit sometimes.” She smiled at him.
“Oh, hi…” the male smiled back, “Ako si Peiky Delfil, 21 taong gulang. At ako ang nangangalaga sa garden na ‘to.”
“Mag-isa?” Gulat na saad ni Keith. "Galing mo naman."
"Huh?"
“Ha? Bakit?" Pabalik na tanong niya. "Anong problema?"
Napatingin si Peiky kay Mrs. Costales na para bang gulat na gulat. "O-Oo?"
"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Kinakabahang wika ni Keith, "M-May nasabi ba akong hindi maganda? You can tell me."
“Wala naman,” Mrs. Costales and Peiky shared a look, “mas madalas pa kasi na tinatanong ng mga tao ang kapasidad ng batang ito lalo na pagdating sa pangangalaga ng halaman, dahil na rin siguro sa down syndrome nya. Pero ang hindi nila alam isa talaga siyang ‘plant genius’."
"Ah, 'yon ba? Opo, madalas nga po na mangyari 'yon dahil na rin sa kakulangan sa kaalaman ng nakararami. Hindi naman porket may down syndrome ay incapable na sila sa lahat ng bagay." Sagot ni Keith. "Pero sa totoo lang, talagang mahirap pagtuunan ng pansin ng ganito kalaking garden lalo na pag mag-isa. Buti hindi ka naboboring?"
"Hindi, ang saya-saya nga eh!" Masayang saad nito habang may malapad ng ngiti sa kanyang lab at halos magsara ang mga cute nitong matai. "Pag may oras ka punta ka lang dito. ate Kit mas marami pang magagandang bulaklak sa gawi doon kaysa dito."
"Oo naman." Masayang sambit ni Keith. “Teka, pano mo nalaman na mas matanda ako sayo?”
“Itsura mo pa lang mukha ka nang matanda eh.” Nakangising sagot nito. At bigla na lang naging bato si Keith sa kinatatayuan niya. ‘Grabe…’
Pagkatapos nila manggaling sa garden ay nagpunta na sila sa loob para naman matuto si Keith magluto ng usual na almusal ni Apollo, at para sa dalaga ito ang pinakamahirap na gawain sa bahay na ito.
"Isang parte ng pagiging personal maid ang pagluluto dahil ang almusal ang nagdidikta ng mood ng isang taong para sa buong araw na." Mataray na wika ni Mrs. Costales.
"Opo, naiintindihan ko po." Bulong ng dalaga sa nanginginig na boses.
"Ngayon ipapakilala na kita sa ating head cook, siya ay si Mercia Magdala."
"Magandang umaga," mahinhing bati ng dalaga.
Hindi makapaniwala si Keith sa nakikita niya, dahil ang babae sa harap niya ngayon ay sobrang ganda. Napaka tangos ng ilong at ang kutis nito ay parang labanos sa kinis at puti. Parang isang buhay na manika. At base sa tingin niya parang mas bata ito kaysa sa kanya.
"A-Ako si Keith Daryl Dresnos." Nangingiming inabot ang kanyang kamay.
"Natatakot ka ba?" Tanong nito habang naka ngiti, "sa pagluluto?"
"Hindi naman." Tugon na habang pinagmamasdan ang ganda nito.
"Oo huwag kang kabahan kasi kadalasan sa mga personal maid breakfast lang ang inihahanda sa mga amo nila. Kaya breakfast lang ang kailangan mong malaman lutuin unless may gusto siyang iba."
"Ok…"
"Now, for breakfast…"
Kumakabog ang dibdib ni Keith sa kaba sa kakaisip niya kung anong klaseng karangyaan ang magiging agahan ni Apollo.
“His breakfast is just simple boiled egg.” She told her, “Four boiled eggs nothing more nothing less, but make sure that the eggs were only cooked for exactly five minutes and immediately soak it in ice cold water. Peel it and serve it in his bedroom.”
“That’s it?”
“That’s it.”
"Napaka simple naman pala kayang kaya ko gawin yan. Ito lang di naman ang kadalasang umagahan ko." Ngisi ni Keith.
"Keith…" madiin tawag sa kanya ni Mrs. Costales at sinensyahan siya na sumunod sa kanya.
Sa pagsunod ni Keith ay nakarating sila sa isang kwarto na animo'y isang office. May lamesa at ilang mga upuan, at sa ibabaw ng lamesa ay may isang papel na nakataob. Lumapit si Mrs. Costales at inabot ito kay Keith.
"Ito ang kontrata na inihanda mismo ng young master, pirma mo nalang ang kulang. D’yan nakasaad ang rules and regulation ng bahay na ‘to. Pero halos napaliwanag ko naman sa’yo ang lahat kanina."
Tinitingnan lang ni Keith ang papel pero hindi nito ito binasa ng buo dahil ang ilang mga rules and regulation sa umpisa ng papel ay naipaliwanag na nga. Kaya kaagad na lamang niya itong pinirmahan. Gano'n ka buo ang tiwala niya kay Apollo, at alam niya na for formality lang naman ang papel na iyon, hindi rin naman siya matitiis ni Apollo.
Ang buong araw ni Keith sa mala-palasyong bahay ni Apollo ay halos house tour lang dahil sa lawak ng bahay nila kulang ng isang araw para libutin lahat ng mga kwarto dito. Kaya gano’n na lang karami ang maids dito.
"Grabe, hindi ko inakala na magpapagod ako kakalakad lang sa loob ng isang bahay." Malalim na hinga ni Keith habang nakatingin siya sa kisame ng kwarto na binigay sa kanya ni Mrs. Costales para tuluyan n’ya pansamantala. “‘Yong buong bahay namin kasya sa pool nila. Sa bahay, apat na hakbang mula sa sala nasa kusina kana, dito nakalabing-apat na hakbang ka na, nasa sala ka pa rin.”
Inilibot ni Keith ang mga mata niya sa loob ng kwarto, kahit na quarter for maids ito ay malaking pa rin ang kwarto at masasabing elegante. Ang mga furniture na ginamit sa loob ay mga minimalist design lang kaya naman sobrang nakakarelax ang itsura. Hindi magarbo pero sobrang appealing.
Pinili na lang ni Keith na matulog dahil na rin sa pagod at tutal hindi pa naman umpisa ng trabaho niya nang marinig niya ang malakas na kalatok ng salamin na bintana ng kwarto niya. Tinignan niya ito at nakita niya ang malalaking butil ng ulan na tumatama dito. Sumilip siya sa labas at nakita na sobrang lakas ng hangin at ulan.
Ang mga puno ng niyog sa labas ay halos pinapaypay ng malakas na hangin at ang mga patak ng ulan ay sobrang kapal na halos hindi na niya makita ng malinaw ang detalye ng kapaligiran.
"Hala, kanina lang napakaganda ng sikat ng araw. Nako po, sana ay ayos lang ang flight ni Apoll–"
Tumunog ang telephone sa tabi ng higaan ni Keith, telephone ito ng mga maid para may communication pa rin sila sa loob ng bahay, "Ihanda mo ang kwarto ng young master pati ang damit niya at paligo." Wika ni Mrs Costales mula sa kabilang linya.
Hindi naman na tinanong ni Keith kung bakit dahil base sa panahon ngayon, kita niya na cancelled ang flight ni Apollo dahil sa bagyo.
Gaya ng inutos sa kanya ay agad niyang inihanda niya ang lahat ng mga ito. Mabilis siyang kumuha ng towel at mga damit na pamalit at nilagay ito sa shelf na nasa toilet and bath ng kwarto niya.
Habang nasa loob siya ng mismong bathroom ni Apollo ay inihahanda ang warm bath nito sa mamahaling bathtub. Pero ‘di inaasahan ng dalaga ang mga sumunod na nangyari, papalabas na sana siya ng biglang pumasok ang basang-basang sa ulan na si Apollo.
Ang shirt na suot ni Apollo ay halos maging see-through dahil sa sobrang basa ito, kaya naman ang mga mata ni Keith ay ‘di maiwasan na lasapin ang view na 'yon.
"Like what you see?" Apollo smirked at her. "You can touch it all you want, it's all yours."
Nagpeke ng ubo si Keith para hindi mahalata na masyado siyang nakatitig sa mga abs ni Apollo, "Alis na po ako, young master. Nakahanda na po ang p-paligo ninyo."
Nag-iba ang ihip ng hangin nang marinig ni binata ang paggalang ng dalaga.
"Wait…" Hinablot ni Apollo ang braso ni Keith at dagli itong pinaharap sa kaniya. Dito lang naramdaman ni Keith na natakot siya sa binata, hindi takot dahil sasaktan siya nito. Pero dahil kita n’ya sa mga mata ng binata na napakaseryoso nito. Wala ang bahid ng mapaglaro at pilyong Apollo na nakasanayan niya.
Unti-unting lumapit si Apollo sa kaniya habang nakatingin ito ng direkta sa mga mata niya, dahil sa tangkad nito ay hindi maiwasan ni Keith na tingalain siya. Napaatras ng bahagya si Keith dahil sa sobrang pagkaseryoso ng kapaligiran at gano’n na lamang ang bilis ng kabog ng dibdib niya ng aatras pa sana siya ay naramdaman na niya ang malamig na pader ng bathroom; ngayon ay nakakulong siya sa pagitan ni Apollo at ng pader.
"Keith, pinirmahan mo ba ang kontrata?" Tanong ni Apollo habang bahagyang pinatingala ang babae sa pamamagitan ng thumb at index finger.
Hindi agad nakasagot ang dalaga, dahil sa sobrang lapit ng distansya nila, kitang-kita niya ang kagwapuhan ni Apollo na talaga namang pinaigting ng basa nitong buhok, "O-Oo…" nanginginig nitong tugon.
He leaned in closer to her neck and whispered, "Then wait on my bed and don't leave."