Kinabukasan ay maagang umalis si Sanya kailangan pa nilang mag-prepare para sa competition mamaya. Hindi na ako sumabay sa kan’ya at siniguro naman niyang kaya na niya. Ang mahalaga lang daw ay pumunta kami mamaya ni Sanjoe bilang suporta. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa kahapon ni Sanjoe, ang buong akala ko ay nagpatulong lang siya sa akin para mamili ng mga pangbabae na damit ngunit iyon naman pala ay para sa akin. Haaayy! Ano bang ginagawa niya? Masyado na siyang nagiging mabait sa akin at aaminin ko may init na dinudulot iyon sa puso ko, bagay na sobrang nakakatakot. Palagay ko’y hindi pa ako handang magmahal muli ngunit kailangan ko ba talagang maging handa sa bagay na iyon? Sabi nga nila’y kusang dumarating ang pag-ibig at ang mas mahirap ay kung kailang hindi naman natin i

