Kabanata 25

1233 Words

“Condensed or evaporated?” Tanong ni Sanya sa akin habang hawak ang dalawang lata ng magkaibang gatas. Nasa grocery store kami at namimili ng mga kailangan sa bahay. Nasabi ko na rin kay Sanya kung papano ko sasabihin kay Sanjoe na payag na akong maging kami ng totohanan. Mabuti na lamang din at kinailangan ni Sanjoe na magtungo sa siyudad. Hindi ko alam kung makakabalik agad siya bukas dahil malayong byahe rin naman. Nasa isla kami, hindi madaling bumyahe sa dagat. “Both,” sagot ko sa tanong ni Sanya. Agad niya namang inilagay iyon sa aming shopping cart bago muling naghanap ng mga kailangan pa namin. Sinilip ko ang listahan ko ng mga kailangan para sa ibe-bake kong cake, marami-rami pa akong kailangan. “Uuwi rin ba si Kuya bukas?” Tanong ni Sanya. “Hindi ko alam, matagal ang byahe ‘

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD