“Feel ko Ate, crush ka ni Sir Lyndon.” Tumaas ang kilay ko sa sinabing iyon ni Sanya. Nagluluto ako ng almusal namin at siya naman ay nakaupo lang at nakapanood sa aking ginagawa. “Paano mo naman nasabi?” Tanong ko sa kan’ya. Natapos na akong magluto ng itlog kaya hotdog naman ang isusunod ko. “E kasi nakita niya lang ako na nakahinto sa may kanto at binabasa ang text mo aba tinanong ba naman kung hindi mo raw ba ako susunduin!” Malisyosa rin itong kapatid ko e, baka naman nagmamalasakit lang talaga ang guro niya binibigyan niya naman agad ng kahulugan. Kahit sino naman sigurong guro kapag nakitang mag-isa ang estudyante nila ay tatanungin nila kung may susundo ba. “Ano ka ba! Baka sadyang mabait lang ‘yong teacher mo,” sagot ko sa kan’ya. Imposible naman ang sinasabi niya dahil dal

