Nakaalis na sa kompanya si Almira ay hindi pa rin ako mapakali. Pakiramdam ko tuloy ay hawak niya ako sa leeg. Gustuhin ko man ngayon na takbuhan na naman ang lahat pero inaalala ko si Sanya, maayos na siya rito, baka mahirapan na naman siyang mag-adjust kapag lumayo na naman kaming magkapatid. “Ayos ka lang?” “H-Ha?” Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Karie at nang mapatingin ako sa paligid ay lahat sila ay nakatingin sa akin. Para bang nag-aalala sila sa akin, bakit naman sila ganyan? Halata bang may problema ako? “Girl, kanina pa nagri-ring ang telepono mo,” sambit ni Arnulfo. Doon ako natauhan, tumutunog nga ang telepono at hindi ko manlang iyon namalayan. Ganoon na yata kalalim ang iniisip ko para hindi ko mapansin iyon. “Hello?” “What took you so long to f*****g answer th

