XIX. Pagkikita.
Krisiane Eline Abalos: Brent, anong tingin mo sa mga babaeng...
Brent Martin Siguenza: Damn. Nagulat ako ng notification na galing sa 'yo, this is so unusual. Anyway, hi Kiel!
Brent Martin Siguenza: Babaeng?
Brent Martin Siguenza: Babae sa banga?
Tahimik na natawa si Kiel sa huli nitong reply sa kaniya. Nasa coffee shop siya ngayon at kahit hindi naman niya hilig na magpunta sa ganoong lugar ay napilit siya ng mga kaibigan.
Ang sabi ay nag-aya si Althea na kitain nila ito roon. Gabi na at magagandang ilaw sa kalsada na lang ang nakabukas bukod sa mga ilaw mula sa headlight ng mga sasakyan na dumadaan sa tabing-kalsada.
Magkakatabi sila sa harap ng medyo may kahabaan na mesa at hinihintay ang pagdating ni Rita at Althea. Day off niya naman sa Galaxy Club at sinabi rin sa kanila ni Bernadette na kailangan ni Althea ang presensya nilang lahat lalo na sa mga pagkakataon na 'to, sa pagtataka ay hindi na siya tumanggi pa sa pagsama.
Nagpatuloy siya sa pagtipa sa teleponong hawak.
Krisiane Eline Abalos: Sorry, ang random nito. Pero tatanungin ko lang sana ang opinion mo kung anong tingin mo sa mga babaeng...
Brent Martin Siguenza: Kiel, just say it. Mamamatay ako kakaisip. Minsan ka na nga lang mag-reply, putol pa eh. :((
Krisiane Eline Abalos: hindi na virgin.
Brent Martin is typing...
Krisiane Eline Abalos: Talaga bang wala na silang halaga? O wala na ba talagang tatanggap sa kanila na lalaki?
Brent Martin Siguenza: Why do I have this feeling na ikaw 'tong tinutukoy natin, am I right? If yes, can I call? Mas maganda nga sana 'to pagusapan sa personal..
Krisiane Eline Abalos: Hindi ako!
Nahihiyang nagkamot ng sentido si Kiel. Nagsisisi sa hindi pinag-iisipan na tanong dito.
Hindi na kasi mawala-wala sa isipan niya ang bawat salitang sinabi sa kaniya ni Gino, kahit pa idinugtong din nito kaagad ng pagkakasabi na mahal siya nito ay pakiramdam niya hinusgahan din nito ang pagkatao niya. At si Brent lang ang nag-iisang lalaki na naisipan niyang tanungin.
Idagdag pa ang mga narinig mula ro'n sa manghuhulang matanda, alam niyang may punto 'yon lahat. Pero ang tanong niya sa isipan sa bawat gabi na hindi makatulog... sino pang tatanggap sa kaniya kung iiwanan si Gino?
Krisiane Eline Abalos: Hindi ako 'no! Asking for a friend lang. H'wag mo na nga lang pansinin, bye na!
Brent Martin Siguenza: Sa personal natin pag-usapan nang malalim pero ang short answer ko sa question mo ay mali ka. Sa panahon ngayon mas marami na kaming mga lalaki na hindi sa virginity nakatingin kung pa'no namin mamahalin ang babae na nagustuhan namin. :)
Brent Martin Siguenza: One more thing, virginity is never a bar of standard naman if you're going to be respected and loved or not. You're still complete as a woman, touched by men or not.
Krisiane Eline Abalos: Hindi nga ako 'yon. Asking for a friend lang, kulit mo.
Brent Martin Siguenza: Sure. Btw, off mo pala tonight.
Krisiane Eline Abalos: Pa'no mo naman alam?
Brent Martin Siguenza: Nandito ako sa galaxy eh, umiinom. Pero pauwi na rin, naglalakad na 'ko papuntang Exit.
Napasilip sa oras si Kiel at nagtaka. Sobrang aga pa para umuwi ang binata mula sa club gayong madalas itong magpaabot ng umaga at closing doon sa tuwing nakikita niya.
Nagbabagong buhay na siguro, aniya sa isipan.
Krisiane Eline Abalos: Bye. Naalala kong hindi pa pala kita dapat papansinin.
Brent Martin Siguenza: Hahahahahahaha. Can you please forgive me already!
Noong huli niya kasing kita rito nang mamili sila ng mga gamit sa bahay ay inihatid siya nito sa apartment unit niya mismo, hinayaan niya lang at hindi na tinanggihan dahil makikiinom daw ng tubig at ayaw bumili ng bottled water sa mga tindahan lang.
Pero nagulat na lang siya nang pati ang mga gamit na pinamili nito, na para raw sa sariling condo unit, ay ipinasok sa apartment unit niya. Saka sinabi ang totoo, na binili nito ang lahat ng 'yon para sa kaniya. Tuwang-tuwa pa nga ang binata nang makitang walang halos kalaman-laman ang unit niya at sakto lang ang mga pinamili para roon.
Magkahalong tuwa at hiya lang ang naramdaman niya, alam ni Kiel na malaki ang ginastos ng binata sa mga gamit na binili pero mukhang hindi naman nito alintana ang 'gastos'. Kaya naman kahit ilang beses niyang tinanggihan ay hindi nagpatalo ang binata.
Sigurado lang siyang magugulat si Gino kapag nadalaw ulit sa unit niya. Pero mula noong huling pagkikita nila ay hindi pa ito ulit nakakapunta sa kaniya, kahit chat ay dumalang din.
Hindi niya na na-reply-an pa si Brent nang tumunog ang bell chime sa pinto ng coffee shop. Paglingon nilang magkakaibigan ay pumasok si Rita at Althea.
Nagkatinginan pa silang mga naroon na nang mapansin na malungkot at mugto ang mga mata ng propesor nilang babae.
Saka lang nila nakumpirma na may mali nga rito nang mag-umpisa na silang mag-usap usap. Kaya pala ito nag-aya na magkape sa labas kasama sila ay dahil may mabigat na problema.
"Ano, Ma'am?! Nahuli niyo po ba si Sir Gino?"
"Oh my god... akala ko pa naman hindi niya 'yun gagawin sa 'yo. Hindi ako makapaniwala!"
"Girls, please, gusto ko lang na may mapaglabasan ng saloobin. Sana hindi 'to makalabas sa ibang tao, ha? I'm getting too emotional these past few days, gusto kong mapahinga."
"Oo nga po, nakaka-sama 'yan sa baby ninyo, Ma'am..."
"Pero naniniwala akong hindi niya 'yun magagawa sa 'kin, kung sino man 'yung babae... sigurado akong 'yon ang nagpu-push kay Gino. Walang kasalanan si Gino." Nagpupunas ng panyo sa mga mata na saad ni Althea. Habang si Kiel naman ay tuluyan nang hindi nakapagsalita.
Base sa kwento nito sa kanila, madalas ay biglang nawawala o matagal umaalis at makabalik si Gino. Noong una lang ay hindi niya pinag-iisipan ng kahit ano pero may kakaiba na siyang kutob. Hanggang sa makakita siya ng kakaibang text message mula sa telepono nito, unregistered ang phone number at deleted ang past conversation, may pumasok lang na bagong nag-iisang message.
"Sino naman kaya 'yon? Hindi po kaya... naligaw lang 'yung message? Na-wrong sent." Nag-aalalang asik ni Rita habang katabi at inaalo ang propesor na babae.
Umiling ito. "Hindi, e. Gabi-gabi ko rin napapansin na late siya palagi natutulog, minsan nagigisnan ko pa na madaling araw na pero gising pa siya. Nagce-cellphone, busyng-busy." Saad ni Althea. "May isang beses pa nga na nahuli ko siyang may katawagan. Akala ko work-related pero hindi, eh. Gabing-gabi na, recent lang 'yon. Parang kagabi lang..."
Napalunok si Kiel. Parang sinisilaban ng apoy ang kinauupuan niya kanina pa, naaawa siya para sa propesor kahit na may nararamdaman na para kay Gino, pero hindi niya napigilang mapatanong sa isipan.
Chat at text message lang naman ang paraan ng paguusap nila ng lalaki, hindi call. Never naging call.
Naantala lang ang pag-uusap nila habang nagkakape nang maingay na mabitawan ni Bernadette ang kubyertos na hawak saka matapon pa ang kape mula sa baso niya. Natatarantang nagpunas ito ng tissue sa mesa, halatang hindi mapakali ang kilos.
"Okay ka lang ba, Bernadette?" Natatawang asik ni Rita.
"O-Oo, h'wag niyo na 'ko pansinin." Hilaw na ngumiti ito sa lahat.
"Ikaw, Kiel. Kanina ka pa walang imik diyan..." natatawang pansin sa kaniya ni Nina. "Any advice or uplifting words para kay Ma'am Althea?" Pabiro nitong dugtong para kahit paano ay pagaanin ang atmosphere sa pagitan nilang lahat.
Nagtama ang tingin nila ni Althea at kitang-kita niya roon na nagtutubig ang mga mata nitong malulungkot, malayo sa usual nitong sigla sa tuwing lalapitan sila o kakausapin para kumustahin.
Hindi niya mapigilan na pagdoblehan ng konsensya.
"Wala akong masabi... k-kausapin niyo na lang po siguro nang diretso si... si Sir Gino."
"Kung sa bagay, may point si Kiel! Diretsuhin niyo na po para hindi na tayo nanghuhula at nasstress!" Segunda ni Lea saka nila pinuri nang pabiro si Kiel.
KINABUKASAN noon ay hindi tinigilan ni Kiel si Gino sa pagtatanong niya tungkol sa mga nalaman. Nakipagkita ito mismo at habang nasa harap pa lang sila ng apartment building ay nagtatalo na ang dalawa.
Dis-oras ng gabi at wala na ring katao-tao sa daan.
"Bakit ba ang init ng ulo mo, tinatanong ko lang naman kung sino 'yong katawagan mo no'ng gabi na 'yon?" Mariin na singhal ni Kiel, kinokontrol ang boses na h'wag mapalakas kahit na naiinis na rin.
"Pagod na 'ko sa mga tanong at pangungulit ni Althea, pati ba naman ikaw rito? Ano ba?"
Pabagsak nitong isinara ang pinto ng sasakyan nang tuluyan na makalabas mula roon.
"Siguro nga tama 'yung hinala ko, itigil na lang natin 'to hangga't wala pang nakakaalam ng sikreto nating dalawa. May mga tao na rin tayong natatapakan at nasasaktan."
"So, ngayon bigla mo 'kong iiwanan sa ere? Ngayon pa talaga, Kiel? Talaga? Kung kailan hindi maayos ang sitwasyon ko sa bahay namin ni Althea, kaya nga ako tumakbo papunta rito sa 'yo! Dinadagdagan mo lang ang sakit ng ulo ko!"
"Hindi ka ba naaawa ro'n sa tao? Niloloko mo kahit wala namang ginawang mali sa 'yo."
"Hindi 'yan ang tanong, Kiel! Sa 'kin hindi ka ba naaawa? Kapag iniwan mo 'ko sa ganitong sitwasyon ngayon, para mo na rin akong iniwan mag-isa. Hindi mo na ba 'ko mahal?"
Naiwang nakatitig lang si Kiel, napakukurap sa kaniya at hindi makaimik.
"Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa 'yo? Talaga?"
"Hindi ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo para matulungan ako, Gino-"
"Then h'wag mo 'kong basta-basta iwan! Kung talagang tumatanaw ka ng utang na loob at hindi ka manggagamit!" Napataas ang boses na singhal nito sa kaniya.
"Hindi kita ginamit. Una pa lang hindi ko na hiniling na gawin mo ang mga bagay na ginawa mo para sa 'kin, Gino."
Sarkastikong tumawa ito. "Pero tinanggap mo pa rin, anong kaibahan no'n? Naghuhugas-kamay ka ba, Kiel? Talaga bang mahal mo 'ko ha?"
"Mahal at gusto kita, paulit-ulit ko na 'yon sinabi. Pero hindi lang tayo ang tao sa mundo nating dalawa, Gino. May girlfriend ka, may nasasaktan tayo. Sa totoo lang imposible nga na may patunguhan 'tong relasyon natin... magkakaro'n na rin kayo ng anak ilang buwan na lang!"
Nagbuga ng sarkastikong pagtawa si Gino at mahigpit siyang hinawakan sa braso.
"Ako nga walang pakialam sa kung anong pwedeng mangyari o sa kung sino pa 'yan-"
"At gusto mo gano'n din ang gawin ko?!"
"Bakit ba parang mas apektado ka pa? Ikaw ba ang malilintikan kapag nagkataon? Ako naman ang sasalo ng lahat!"
"Gino, please-"
"Bibigyan kita ng space pero hanggang do'n lang, hindi natin ititigil 'to. Ako ang masusunod, gusto mo rin naman 'to 'di ba?" Singhal nito habang matalas ang tingin sa kaniya. "Matagal na natin 'tong ginagawa. Matagal mo nang ine-enjoy ang lahat ng 'to. 'Wag ka nang maghugas-kamay, Kiel."
Iyon lang at hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa, padarag na binitiwan nito ang mahigpit na pagkakahawak sa braso niya.
Space. Bibigyan siya nito ng space pero hanggang do'n lang.
Pakiramdam ni Kiel ay gusto niyang maiyak, mabigat ang dibdib niya sa kasalanan na ginawa kay Althea at hindi na alam kung pa'no pa 'yon itatama, lalo na't hindi gustong makipag-cooperate ni Gino.
"Kiel?" Pagtawag ng bagong boses sa dalaga.
Nilingon niya ang may-ari ng boses. Namilog ang mga mata niya nang makita si Brent 'di kalayuan sa kinatatayuan niya, nagmamadaling naglihis siya ng tingin mula rito at pinunasan ang mga mata.
"Brent."
"You okay?" Kunot-noo at nag-aalala na asik nito habang naglalakad palapit sa kaniya.
Habang si Gino, hindi malaman kung ano ang unang gagawin. Kahit nagtataka siya kung sino ang lalaki na bagong dating ay ayaw niya pa rin naman na may iba o kahit sinong makakita sa kaniya na kasama si Kiel sa mga oras na 'yon. Mahirap na at baka makaabot pa kay Althea ang balita na naroon siya.
"May problema ba rito?"
Dire-diretsong nilapitan ni Brent si Kiel para kumustahin sa malapitan, seryoso at naninimbang ang tingin. Naabutan niyang hawak ni Gino ang braso ng dalaga kanina lang at kung pa'no nito malakas na bitawan 'yon, pati na rin ang tila galit at inis nitong pagsinghal kay Kiel.
Kaya naalarma siya kaagad.
Hindi malaman ni Kiel kung ano ang isasagot kaya naman nauna nang tumalikod si Gino at hindi na sila pinansin pa, maglalakad na sana ito pabalik sa naka-park na sasakyan niya nang pigilan siya ni Brent.
"Sandali."
Natigil si Gino sa pag-alis. Nagtagis ang panga ni Gino sa pakikialam nito pero kahit nagtitimpi ay hindi pa rin nilingon ang binata.
Nakita ni Kiel kung pa'no sipatin ni Brent ang suot na polo shirt ni Gino saka kalaunan ay malukot ang noo.
"Instructor ka ba sa Pacific University? Anong kailangan mo kay Kiel ng ganitong oras?" Kabisado niya ang logo ng university dahil doon din nagtatrabaho ang nanay niya, parehong logo ang nakita niya sa suot na polo shirt ni Gino.
"Ano naman ang pakialam mo? Sino ka ba?" Hindi na nakapagtimpi na harap sa kaniya ni Gino.
Ilang segundong nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa nang tuluyang magka-harap.
Pumagitna kaagad si Kiel at hinila na palayo si Brent para roon kausapin, nagkaro'n ng tyansa si Gino para makaalis na nang tuluyan kaya 'yon ang ginawa niya.
"Brent! A-Ano bang ginagawa mo rito?"
Hindi nilubayan ng tingin ni Brent ang sasakyan ni Gino lalo na nang dumaan ito sa gilid nila habang papaalis.
"Sino 'yon? Binabastos ka ba no'n? Ang yabang pa sumagot! Hindi ako magdadalawang-isip na suntukin 'yon kung sakaling sumagot ka kaagad kanina eh!"
"N-Nagtanong lang 'yon ng daan, hindi-"
"Nagtatanong lang 'yon? Bakit hinawakan ka pa sa braso, parang sumisigaw-sigaw pa nga sa mukha mo eh. Kung instructor sa Pacific University 'yon sabihin mo lang, babawian ko. Marami akong koneksyon sa loob no'n."
Namilog ang mga mata ni Kiel sa narinig at pilit na nginitian ang binata matapos hawakan sa braso.
"Ano ka ba! Promise, n-nagtanong lang siya. Hindi naman ako binastos, mali ka lang ng pagkaka-akala."
"Sigurado ka ba? H'wag ko lang makita 'yon ulit sa kung saan..." nagbabanta at kunot pa rin ang noo na litanya nito saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Nag-aalala. "Okay ka lang ba talaga?"
"Oo nga! Masyado kang protective, 'wag mo 'ko masyadong intindihin. Salamat... pero saan ka pala pupunta, yelo ba 'yang dala mo?" Natatawang asik ni Kiel, pilit na iniiba ang usapan.
Tumango ito. "Nag-iinuman kami ng kaibigan ko riyan sa apartment unit niya, 2 streets away mula rito. Dito lang ako dumaan, hoping na makikita kita. Tama na naman ang instincts ko, nakita nga kita." Bahagyang natawa na ani nito. "Akala ko pa mapapaaway ako."
"Kalimutan mo na 'yung nakita mo. Pero maraming salamat sa concern..."
Hinawakan ni Brent ang baba ng dalaga at marahang itinaas para pagmasdan ang mukha ng dalaga. "Were you crying?"
Natatarantang kinapa ni Kiel ang mga pisngi at pasimpleng pinunasan ang mga mata. "Hindi, hindi! Napuwing lang ako kanina... ano ka ba naman, Brent!" Hilaw na palusot nito saka kunwa'y sinipat ang suot na relo. "Mauna na 'ko sa loob, maaga pa 'ko bukas."
Ngumiti si Brent at tumango. "Good night, then. I'll see you tomorrow I guess."
"Tomorrow?" Nagtatakang asik ni Kiel, naudlot ang pagtalikod sana rito para makapasok na sa apartment unit. "Day off ko bukas Galaxy."
"Sino ba nagsabing sa Galaxy Club tayo magkikita?" May multo ng nahihiyang ngisi sa mga labi nito habang nagkakamot ng sentido.