I LOOKED over at the people walking and minding their own businesses from my office. Being the COO of our very own company, I got a lot of things to do but here I am. Bored na bored habang nagkakape. Marami naman talaga akong gagawin dahil sa posisyon ko but thanks to my great and amazing father, he took away half of my tasks.
Seems great but it was f*****g far from being that because I was basically have the position but not the right. Well, kasalanan ko naman kung bakit ginawa ni Dad ‘yon. I threatened him that I will disown myself kung hindi siya papayag sa gusto ko. But I have a reason! Okay!
A very valid and important reason!
And that is to break the grip of that f*****g jerk off me! Dad knew how much I hated that man but he still decided to marry me off to him. I suffered three months being around him and being called his fiancè. Thankfully, nadala ko sa takot si Dad at napapayag sa gusto ko.
But there's one more thing. . .
Humugot ako nang malalim na paghinga. Hindi ko alam kung dahil ba sa iniisip ko o sa kape kaya ako biglang kinabahan. I'm hiding a very big secret from Dad. I know, once he found out about it. I'm doomed.
And not only that. . .
Ang pangyayaring paulit-ulit na sumisingit sa isip ko tuwing gabi na parang bangungot ay maaaring mangyari. Kaya kahit mahirap, I will try my hardest to hide it. I won't let them know.
I won't let them know about my son.
Napukaw ako sa malalim na pag-iisip dahil sa katok na nanggaling sa aking pinto. I saw my Mom enter. I frowned when I saw the agitation from her face.
"Are you okay, Mom?" tanong ko kaagad.
That's the face I usually see if something wrong is happening. Mom knew about my son. Siya ang partner in crime ko sa pagtatago kay Dad ng katotohanan. Kahit wala pa man tuloy ay kinakabahan na ako.
"We have to talk, Ryleigh," seryoso niyang sagot.
Ibinaba niya ang bag sa sofa at pabagsak na naupo. Lumapit kaagad ako at naupo. Inilapag ko ang kape sa mini-table sa gitna. I don't need that s**t right now.
"What's happening, Mom? Tell me, please! Huwag niyo po akong pakabahin," ninenerbyos kong tanong.
"You knew I understood you, right? I understand where you're coming from and your hate for Reagan." I almost flinched upon hearing his name. "But I can't keep doing this, anak. We can't keep doing this. Your father has to know! Gideon's father has to—"
"Mom!" pigil ko sa kanya bago pa niya matapos ang sasabihin. "I'm not yet ready. C-Can you please. . .give me more time?"
"Ryleigh! Is three years not enough to tell your Dad the truth? Mayayari tayo sa ama mo kapag sa ibang tao niya pa malaman ang totoo sa apo namin! And you! He might never forgive you once he found out how long we've been fooling him!" sermon ni Mom.
Napasentido ako. We always have this conversation pero ngayon lang naging intensed. Natataranta tuloy ako. I don't actually have any plan of telling Dad the truth. Hell! Kapag nalaman niya, hindi p’wedeng wala siyang gagawin!
"And Gideon. He will eventually ask about his father, anak. Would you really take his right to know his real father? Think about it, Ryleigh," mariing pagpapaintindi ni Mom.
"Why did you suddenly bring this, Mom? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ko. That was my first question when I saw her.
Nag-iwas siya ng tingin. I already knew something's happening and something's about to come. And that thing is probably bad news.
"Just. . . Just ready yourself, anak. Hindi natin ‘to matatago pa ng matagal sa Dad mo. Think about this thoroughly, please," pakiusap ni Mom.
Hindi ko maisalita ang salitang oo dahil wala nga talaga akong balak ipaalam. Tumango na lang ako. Nakasunod ako kay Mom nang tumayo. Tulala ako dahil sa pag-uusap namin.
"Think about your son, Gideon, Ryleigh. Time will come and he will look for his father. And about that man. He's not stupid, anak. He will eventually know about his son with you," huling pahayag ni Mom bago ako iniwan doon na tulala.
Nanghihina akong napasandal sa sofa. Kanina lang ay bored na bored ako and now I'm nervous.
So much for a day!
THE conversation between me and my mother kept me up all night. I'm agitated. I don't know what to f*****g do! Gusto kong sabihin kay Mom na wala na talaga akong balak ipaalam kay Dad ang totoo. Pero kapag ginagawa ko ‘yon. Baka mas lalo akong malagay sa alanganin. Baka nga si Mom pa mismo ang magsabi kay Mom.
Humugot ako ng malalim na paghinga at pilit na kinalma ang nagwawala kong sistema. Hindi naman na ako nagkakape pero grabe pa rin ang nerbyos ko. Damn this! Damn that man! This is all his fault! Hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng anak pero pinagsisihan kong siya ang naging ama! Hindi sana ako namomroblema ng ganito!
Napamulat ako bigla nang makarinig ng mahinang mga katok mula sa pinto. Kasunod no’n ang mahina at maliit na boses na agad na nagpalambot ng puso ko.
"My?"
It was my son. Gideon Sebastian.
Napangiti ako nang sumilip ang maliit na ulo ng anak ko sa pinto. Lumibot ang tingin niya sa paligid at nang makita ko ay agad siyang tumakbo papunta sa akin.
Agad ko siyang inuupo sa kandungan ko at hinalikan sa pisngi. "Good morning baby ko. How's your sleep?" malambing kong tanong.
"Good po, Mommy! I woke up befoyr the ayarm! Ikaw po?" inosente niyang tanong.
Mahina akong natawa. Ang cute-cute ng anak ko. He's three going for this year at marunong na siyang magsalita ng diretso pero bulol pa rin siya sa letrang r.
"Yes po. Mommy slept good last night," malambing kong sagot.
Hinaplos ko ang itim na itim at makapal niyang buhok. Ngunit napahinto ako nang masilayan ang mga mata ng anak ko. Stormy grey eyes. The eyes he inherited from his father. His father that I hate.
Reagan Iverson.
Although hati ang nakuha ni Gideon mula sa akin at sa kanyang ama. Hindi pa rin makakaila na si Reagan ang ama dahil sa mga mata ng anak ko. Kaya natatakot akong malaman ni Dad ang totoo. Hindi na kailangan ni Dad na paaminin ako dahil isang tingin lang ay alam niya na kaagad kung sino ang ama ni Gideon.
I can fight for my child's custody. Kung gusto ni Reagan na magkaroon ng time sa anak niya, hindi ko ‘yon ipagkakait sa kanya. But that's not the case. Natatakot akong hindi lang anak ko ang gustuhin niyang makuha. . . kung ‘di ako rin. That's what I'm afraid of. To give him the right to claim me that he desperately wanted when Dad called off the arranged marriage.
And I won't let that happen! Hindi niya na ako makukuha pa! f**k him and his so called love for me! He won't have me again and I will make sure of that!
"Mommy?"
Napukaw ako sa malalim na iniisip. I put back the smile I lost upon remembering that man. Muli kong hinaplos ang kanyang buhok.
"Yes, ‘nak?"
"I'm hungwy po."
"Okay. Bihis lang muna si Mommy, okay? Kay Lola Aya ka muna," saad ko.
Tumango naman siya saka bumaba mula sa aking kandungan. Lumapit siya kay sa personal maid niya na Nanay Aya. Ngumiti sa akin ang ginang na naghihintay sa b****a ng pinto bago ginaya si Gideon palabas. I released a deep breath when they're finally out.
Muling bumalik ang kaba ko but this time binalewala ko na lang. Mabilis akong naligo at nagbihis bago bumaba sa kusina. Nakaupo na si Gideon sa high stool at masaganang kumakain na.
"Balak ko sanang i-enroll sa pre-school si Gideon this year para naman hindi siya gaanong nabo-bored dito sa bahay. What do you think, ‘Nay?" tanong ko kay Nanay Aya.
"Maganda po iyan, Ma'am. Matalino po si Gideon. Siguradong mas mahahasa at dadami pa ang kaalaman ng batang ito," nakangiting sagot ni Nanay.
Ngumiti ako at tumango. I am thinking about my son. Nandito lang siya sa mansyon since he was a baby. Minsan lang siya nakakalabas kapag may time ako o ‘di kaya'y kapag nand’yan si Mom. Mas mabuti na rin siguro sa pre-school marami siyang kalaro roon at malilibang siya.
I was assisting my son with his food while feeding myself when my phone rang. Napalunok ako nang makita ang pangalan ni Dad.
"Gideon, ‘nak. Labas muna si Mommy ha. May kakausapin lang ako," paalam ko.
Tumango siya habang kumakain. Ang mga mata ay nasa laruan na truck. Makahulugan kong sinulyapan si Manang bago ako tumayo at pumunta sa back porch ng bahay.
"Yes, Dad?" tanong ko kaagad.
"We'll attend a party tonight. Be punctual, Ryleigh. Hihintayin ka namin ng Mom mo rito sa mansyon," utos ni Dad mula sa kabilang linya.
I don't know why but I get suddenly nervous. Party for what? And for whom?
"Party for whom?" tanong ko.
"Reagan's grandfather's birthday." Nanlamig ang buo kong katawan. "So, behave, Ryleigh. I don't want another controversy."
Hindi na ako nakapag-react pa nang patayin ni Dad ang tawag. Napalunok ako at tila nawalan ng lakas na napasandal sa pader.
He's there. . . I know, he is.