Chapter 05

2187 Words
HINDI ko na sinubukan pang itago mula sa mga tingin nila ang hawak kong basket. I confidently raised my head kahit pa parang magigiba ang dibdib ko dahil sa kaba. "That's none of your business, Mr. Iverson," masungit kong sagot. Tinalikuran ko sila at akmang hahakbang paalis nang muling magsalita ang demonyo. "You want me ask your father instead?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa basket. Nagtatagis ang aking mga ngipin at nanlilisik ang mga matang binalingan ko siya. His eyes are blank and sharp. "Is that really hard to keep yourself f*****g out of my business?" gigil kong tanong. Binalingan ko ang babaeng kasama niya na naguguluhan. "You're with someone, and you're asking me that? You're not just asshole but also an insensitive, are you?" "If I am insensitive, you're overreacting. I was just asking. No need to be rude, Ms. Sebastian," malamig niyang saad. Bago pa kami tuluyang mag-away at magsigawan, pumagitna na ang babae sa amin. My eyes instantly fell to her hands on his chest, stopping him. I snorted. "Reagan!" saway niya. Narinig ko ang marahas na pagpapakawala ng hininga ni Reagan. The woman stepped backwards when he finally cooled down. I rolled my eyes at them. "What are you? A child?" mapang-uyam kong bulong. Ngunit kahit pabulong na ang pagkakasabi ko, narinig niya pa rin. Thanfully, hindi naman na siya nagsalita. Nanliit lang ang mga mata. I didn't wasted my time and turned around to leave. Not even bidding them goodbye. Nabayaran ko na ang pinamili ko at nasa labas na ng shop nang mapahinto ako. Nanlaki ang aking mga mata. Si Gideon and Manang Aya nga pala! Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ko ngunit napaiwas din ako nang masalubong ang matatalim na tingin ni Reagan. Damn it! Mukhang may balak pang mag-stay ang dalawa sa loob! I acted like a normal person leaving a*****e upang hindi mahalata ng lalaking nakamasid sa aking likod ang taranta ko. When I got the chance, I immediately hide behind a mannequin sa katabing store kung nasaan sila Reagan. Mukha akong tangang nagmamasid sa labas ng store. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. What matters to me is my son with Manang Aya on the fitting room for men! I am so f*****g stupid! Sa sobrang caught up ko sa hayop na ‘yon, nakalimutan kong naghihintay pala ang anak ko! Hindi ko tuloy sila nabugaw paalis sa store. Pakiramdam ko ay biglang natigil sa pagtibok ang puso ko nang makitang pumasok si Reagan sa loob ng fitting room. There are three cubicles in there and one of those is where Manang and Gideon at. "N-No. . . N-No. . ." bulong ko. The chances of Reagan meeting Gideon is low. Sigurado akong hindi lalabas si Manang sa cubicle hangga't hindi niya ako naririnig. And if ever naman na magkita sila, I don't think Reagan will recognized him immediately. Ang isa bagay lang naman na magbibigay suspetsya sa kanya ay ang mga mata ng anak ko. I felt like I waited for hours outside the store when Reagan finally walked out from the fitting room. He handed the clothes back to the woman before telling her something. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa counter. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makaalis na sila. Nagmamadali akong pumasok muli sa store at tumungo sa fitting room. I called out Manang Aya and she left the cubicle with Gideon. Kaagad kong kinuha ang anak ko nang makitang papaiyak na ito. "What happened?" nag-aalala kong tanong. "Natakot po, Ma'am. Akala ho ay nagtatago tayo sa masamang loob kaya nagpupumilit pong lumabas para puntahan kayo," paliwanag ni Manang. "M-Mommy. . ." Hinaplos ko ang kanyang likod. "Ssh. . . It's okay. I'm okay. M-May—May kinausap lang si Mommy." Makahulugan akong tumingin kay Manang Aya. Tumango naman ito saka binitbit ang mga pinamili namin. We cautiously left the mall. Thankfully, hindi ko naman na nakita si Reagan. "Ma'am." Napalingon ako kay Manang Aya nang bigla itong magsalita. Nasa biyahe na kami pauwi. Si Gideon ay nasa aking braso at mahimbing nang natutulog. "Nay?" patanong kong sambit. Ibinaling ko rin kaagad kay Gideon ang tingin ko "H-Huwag ho sana kayong magagalit, ngunit kailan niyo ho balak ipakilala si Gideon sa kanyang ama?" May pag-aalinlangan at alala sa boses ni Manang Aya. Napatigil ako sa paghaplos sa pisngi ng aking anak. Ipakilala si Gideon kay Reagan? No, never. Hindi nga iyon sumagi kailanman sa isipan ko. I don't want to give Reagan the reason to have his way over me again. "I. . . I don't know," mahina kong sambit. "Ma'am, ayoko ho sana kayong pangunahan ngunit nag-aalala lang po ako kay Gideon at sa inyo. Gustuhin man natin o hindi, darating ang araw na maghahanap ng ama ang anak ninyo," paalala ni Manang Aya. Hindi ako nakasagot dahil alam kong tama si Manang Aya. No matter how hard I try to hide my son from him. Time will come na mismong si Gideon na maghahanap kay Reagan. I knew that. But call me selfish, I still don't want him to know. I don't think I will ever have the courage to give the man the right from me that I had desperately taken before. "BULLSHIT!" Ibinalibag ko ang newspaper sa aking lamesa. Nagpupuyos ang buo kong katawan dahil sa malaking letra na nasa frontpage pa mismo nito! Love Triangle? Ryleigh Sebastian, ex-fiance of the billionaire Reagan Iverson, is seen arguing with his rumored fiance, Vivian Samonte. Maraming pang kagaguhan ang laman ng news article. Like I regretted turning down Reagan, and now I am desperately want him when I heard about his rumored fiance. And that is pure bullshits! Lies! f**k them! Halos mamatay-matay na ako sa kaba na baka makita kami ni Reagan ng anak ko, and then may lalabas na ganitong article? "Tell that damn company who made that article to turn it down immediately! Kung ayaw nilang pasabugin ko ang building nila!" asik ko sa aking sekretarya na kaagad sumunod at lumabas ng opisina. I released a harsh breath before slumping myself onto the swivel chair. Kinuha ko ang newspaper at itinapon sa basurahan. That news is maddening. Pinagmukha pa akong desperadang naghahabol! But I think it's better na rin siguro. At least, they didn't see my son. Kung ang anak ko nakita, I am doomed! "Miss Sebastian?" Napamulat ako mula sa pagkakapikit nang mariin. "Yes?" "Ipinapatawag po kayo ni Sir. It's ASAP daw po," sagot nito. Muli akong napabuga ng marahas na hangin. It's another scolding from my father again. "Alright. I'll be there," sagot ko. Nagpalipas muna ako ng ilang segundong nakaupo upang humugot ng lakas bago tumayo. Hindi ko tinago ang inis at disguti sa aking mukha nang pumasok sa loob ng opisina ni Dad. He threw the paper on the table the moment I closed the door behind. "What is this?" magkasalubong ang kilay niyang tanong. I took a deep breathe before answering, "Dad, it was just a nonsense rumor—" "If you still want that kid, you could've called me." "Ha?" nagugulumihan kong tanong. "I've already talked to Philip regarding this, and he has no problem. He doesn't believe the news which is good for you and despite your refusal of the marriage three years ago, he still wants you to be his grandson's wife," saad ni Dad. Nagbuhol-buhol na ang mga kilay ko sa pinagsasabi ni Dad. "What exactly are you saying Dad?" "The woman he's with is just an acquaintance. A very good old friend from his college days. They're not really in an intimate relationship." Kumabog ang dibdib ko nang isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Dad. "You're both single." "Dad," seryoso at mabagal kong tawag. "What. Did. You. Do?" Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Dad. "We set up a date for the two of you." Umawang ang aking mga labi. Ilang beses akong napakurap bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Dad. Fuck me! GUSTO kong ipagbabato ang mga gamit sa aking opisina dahil sa aking gigil! The hell did a goddamn newspaper bring me back to that asshole! How?! How?! Mas tanggap ko pa na sermon ang ginawa ni Dad kanina. Hindi dinner date sa lalaking ‘yon! Damn it! Kung hindi lang kasama si Lolo Philip sa nag-set up ng date na iyon, hinding-hindi talaga ako pupunta! Nagmulat ako ng mga mata at ang wall clock kaagad ang bumungad sa akin. It's like reminding me about the date. Napaismid ako. "Bahala siyang maghintay!" gigil kong bulong. It was already 5:25 PM when I decided to get up and go home. Ala-sais ang date, but who cares kung ma-late ako? "Where's Gideon, ‘Nay?" tanong ko kay Manang Aya nang makauwi. "Nasa playroom niya ho, Ma'am," sagot ni Manang Aya mula sa kusina. I thanked her before going upstairs to check on Gideon. Nasa playroom nga ito at naglalaro ng truck niya. Nakangiting lumapit ako at hinalikan ito sa pisngi. "How's my baby?" masigla kong tanong. "Okay lang po, ‘My," nakangiting sagot niya. Napangiti naman ako. Unti-unti nang tumutuwid ang pagsasalita niya. My son's really growing up. "How's your day at school? Wala bang nang bully sa ‘yo?" malambing ko tanong. Umiling siya. Ang mga mata ay nasa laruan. "No one po." Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Mommy's going somewhere again. Si Manang Aya ulit muna magpapatulog sa ‘yo. Babalik din ako kaagad, I promise po." Bumaling ang mga mata niya sa akin mula sa mga laruang kotse. Napanguso ito. "Can I go with you, ‘My?" My heart started to beat faster. The thought of Gideon and Reagan seeing each other is the reason why. Ilang beses akong napalunok bago ko nagawang makasagot. "N-No, anak, eh. M-Malayo kasi saka saglit lang naman si Mommy. Uuwi rin ako kaagad," katuwiran ko. Lalong humaba ang nguso niya at bumagsak ang mga balikat ngunit hindi rin naman nagpumilit pa. "Okay po." "Huwag papasaway kay Manang Aya, ha? I'll go na. I love you." Hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas ng playroom. Mabilis akong naligo nang makitang 6:33 na. I wore a simple white dress and strappy gold heels. Hindi na ako nag-abalanh mag-ayos pa ng engrande dahil wala akong balak magpa-impress sa kanya. I arrived at the said hotel and restaurant. Kaagad akong in-assists ng waitress at dinala kung nasaan si Reagan. Nangunot naman ang noo ko nang sa taas niya ako dalhin. Hindi kami sa normal na table kundi sa loob pa ng isang hotel room. What the hell? Napalunok ako nang makapasok ako sa loob. Pakiramdam ko ay ibinalik ako sa gabing iyon. The table, candles and the tempting scent in the room. It was like the night I regretted the most repeats. "You're supposed to be here at 6. It was already 7, Ryleigh. Don't you know the word punctuality?" Napaigtad ako sa pagsulpot ng boses na iyon. Lalong bumilis ang kabog sa dibdib ko nang makita ko siya sa sofa. Prenteng nakaupo habang umiinom ng wine. Madilim ang kinalalagyan niya ngunit dahil sa dimlight ay kitang-kita ko ang kabuuan niya. Three buttons of his long sleeve polo are already undone and his hair is messy. There was a sudden trace of warmth in my stomach when I remembered what he looked like that night. Katulad na katulad ng nakikita ko ngayon. The only difference is, he's drinking wine and not whisky. "Traffic," tipid kong sagot nang makahuma. Parang magigiba ang mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring lumapit sa upuan at umupo roon. Moving has become a difficult task to do because of his piercing eyes that are following me. "I know you don't like this, and I want to tell you that I feel the same. We don't need to talk. We'll just have to wait for a few moments bago umalis para hindi tayo mahalata," seryoso kong sambit. I silently thank myself for not stuttering despite the vigorous thumping in my chest. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan and I don't dare break it. I feel like, if I break it. The tension between us would lose and it would be too strong to control. "Are you happy, Ryleigh?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "Were you happy when the marriage was officially called off?" Bumuka ang mga labi ko. "I-I. . ." Why can't I answer it? It was just an easy 'I am' but why can't I say it? Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang kanyang pagtayo. Tumayo rin ako nang makitang papalapit siya sa akin. I stood there suddenly unable to move when our eyes met. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata. "You should be happy, Ryleigh." Hindi ako nakahinga nang tumaas ang kanyang kamay. Masuyong hinaplos ang aking pisngi. I don't know why I didn't avoid his touch. I should be hating it, but why am I suddenly craving it? "You've got what you want." May takot na biglang sumibol sa puso ko. I found out why because of his next words. "I won't pursue you anymore."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD