Chapter 07

2105 Words
PINILIT ko ang sarili na umakto ng normal sa sinabi niya. So what kung maging fiance niya ang Vivian na iyon? Maglupasay ako, gano’n? Of course, no! I don't care. Mas mabuti nga ‘yon. He won't bother me anymore if he ever find out about Gideon. But he already said he won't pursue you anymore? Nagtagis ang mga ngipin ko sa sarili kong pag-iisip. Hindi ko tuloy napansin na nabitawan ko na ang hawak na kutsara dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog dahil sa pagbagsak. Mabilis kong naramdaman ang pagtingin sa amin ng ibang customers. "Huy! I'm just teasing you. Huwag ka nang magalit! Mas maganda ka pa rin naman doon, eh, and Reagan loves you—" I cut her sentence off. "Let's not talk about him anymore. Matagal na kaming tapos kaya wala ng rason para ma-involve pa ako sa kanya. If he ever marries that Samonte girl to give him the son or daughter he needs, it's not my problem anymore." I was able to say it without stuttering and in a cold, firm voice. But why did my insides waver when I said that? "Okay," bagsak ang balikat na sambit niya. Napailing na lang ako at saka muling kinuha ang kutsara para humigop sa sabaw na malapit nang lumamig. I want to finish eating and go home para makasama nang mas matagal ang anak ko. Gabi na lang ang bonding time namin. "Sumusubok lang naman baka may chance pa. . ." Pabulong ang pagkakasabi niya no’n pero narinig ko pa rin. "There's no more chance, Alessia," saad ko. "I was against the marriage, and he already told me he won't pursue me anymore. We already parted ways. Just so you know." Lumaki naman ang mga mata niya. "He told you that?" bulalas niya. Tumango ako. Ang nanlalaki niyang mga mata ay nauwi sa panliliit hanggang sa umingos siya. "I don't believe it. Kung ayaw ka niya talaga, bakit hindi pa siya lumayas dito?" nagdududang sambit niya. "Gusto ka lang no’n takutin." Hindi na ako nakatiis kaya natuktukan ko siya sa ulo. Sumama naman kaagad ang tingin niya sa akin na pinantayan ko ng nagbabantang tingin. Siya rin naman kaagad ang sumuko sa staring contest namin. "Okay! Fine! Hindi na magbabanggit ng kahit anong tungkol kay Mr. Reagan Iverson," sarkastiko niyang sambit. Urgh! I should've refused to meet up with her! I WAS busy doing my responsibilities when I heard three knocks on my door. Pumasok mula roon ang sekretarya ko. "Yes?" tanong ko. Hindi umaalis ang mga mata sa papel na hawak. "Pinapatawag po kayo ng C.E.O, Ma'am. He said it's urgent," sagot niya. Nag-angat ako ng tingin dahil doon. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Bakit daw?" tanong ko. "Wala pong sinabi ang sekretarya ni Sir, Ma'am. Pinasabi lang po sa akin na pinapatawag kayo at urgent daw," magalang niyang muli na sagot. What is it this time? Hindi na ako nagtanong pa. Inayos ko ang sarili bago ako lumabas ng opisina para pumunta sa top floor where Dad's office is located. Naabutan ko siya sa loob na umiinom ng kape habang nakaupo sa swivel chair. "Dad?" untag ko. Lumingon sa akin si Dad bago muling ibinalik ang tingin sa labas. The walls are made of two way mirror glass in which you can see the outside. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya baka sakaling naroon ang sagot, tinatamad lang siyang sabihin. But I don't see anything there other than the poster of an underwear model. "Don't tell me may balak kang mag-model, Dad?" tanong ko. Napatingin kaagad siya sa akin. Nakasimangot at mukhang nawalan ng 10% na gana sa kapeng iniinom. "I am having a vacation with your Mom," panimula niya. Bumaba ang tingin ko sa inurong niyang bungkos ng mga papel na nasa lamesa. "You will be the acting C.E.O starting tomorrow." Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" "Kapag nagawa mo nang maayos ang trabaho mo. I will, perhaps, pass you the position officially. I'm getting older, and you're not getting younger. Sooner or later, you will inherit my position in this company. Mas mabuti nang matuto kana," pahayag. "B-But. . ." I was planning to get a vacation so I can spend time with Gideon. "And since you'll start tomorrow as the C.E.O, might as well handle this now," saad pa ni Dad. May kinuha siyang papel mula sa drawer at inilapag sa table niya. "This is the project partnership between us and Iverson." Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang apelyido na iyon. Kahit parang may nakabara sa aking lalamunan, pinilit kong magsalita. "What am I gonna do with that?" "Supposedly, it was me and Reagan that will talk about this but since you're here. You do it. This is important and confidential so it must be discussed in his house," Dad states casually. "What?! Bakit sa bahay niya pa—" "Puwede namang sa bahay mo if you're not comfortable. Your choice," putol ni Dad sa reklamo ko. Hindi naman ako nakaimik. Mas lalo namang hindi siya puwede sa bahay ko! "I already informed him about this. If you want to change the meeting place, you call him. That's all. You're dismissed." Bumalik si Dad pagkatulala habang umiinom ng kape. "Dad!" Napapikit ako nang mariin nang hindi niya na ako pinansin. Ano ba‘ng meron sa lalaking ‘yon at parati kaming pinaglalapit?! KULANG na lang ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan para hilain ang sarili kong na-glue ang puwet sa backseat. I can feel the curious stare of my driver and the confusion of the maids outside who's waiting for me. Paanong hindi ako makalabas-labas sa bahay na 'to? Ito lang naman ang bahay na isinumpa kong hinding-hindi na ako tatapak pa kahit kailan! This house that reminds me of those times I was with him, and that night. . . "Ma'am? Okay lang ho ba kayo?" hindi na nakatiis na tanong ng driver ko. Bumuka ang bibig ko upang magsalita ngunit hindi ko rin natuloy nang makita ang paglabas ng lalaking akala ko'y hindi ko na makikita. Napagilid kaagad ang mga maid nang makitang palabas siya. Napalunok ko nang maging malinaw ang mukha niya habang papalapit. Magkasalubong ang mga makapal niyang kilay, matalim ang kulay abong mga mata at walang ngiti ang mapulang mga labi. Nag-iwas ako ng tingin nang makalapit siya. He didn't bother knocking on my car's door. Basta niya na lang binuksan. Walang hiya talaga. "Dito ka na lang ba magdamag?" masungit niyang tanong. Inismiran ko siya saka padabog na kinuha ang bag ko. Hindi ako nagpahalatang napipilitan lang. "May inayos lang ako," masungit ko ring tugon. Matapang ko siyang binalingan. "Lead the way para makauwi na rin ako nang maaga." Hindi rin naman siya nag-iwas ng tingin. His eyes are piercing that I almost flinched. "I'm afraid you won't, Miss Sebastian," malamig niyang sambit. "I still have important things to finish first before I can attend to you." "What? Ang sabi ni Dad ay alam mong mag-uusap tayo ngayon tungkol sa project. Kung may gagawin ka palang iba, dapat tinawagan mo ‘ko para na-move ko bukas," asik ko. "You won't wait for hour, Ryleigh. Nagkataon lang na may kinailangan akong gawin. You can wait for me in the living room," saad niya. "So seal that mouth or else I might seal it myself." Naipon sa bibig ko ang dapat sanang irereklamo ko dahil sa banta niya. Tahimik tuloy akong sumunod sa kanya papasok sa loob. "Wait for me here," malamig niyang saad bago ako iwan sa sala. I slumped myself on his sofa. Inikot-ikot ko ang mga paa ko upang ibsan ang sakit dahil heels. Magpa-flats talaga ako bukas. "Ma'am Ryleigh!" Umangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng masayang boses na iyon. Tumaas naman ang dalawang kilay ko nang makita si Mary. Isa sa kasambahay ni Reagan na naging ka-close ko noong parati akong inuuwi rito ni Reagan— Urgh! Why do I have to remember that? "Nagkabalikan na kayo ni Sir?" walang preno niyang tanong. Sumama ang tingin ko sa kanya. "Hell, no! And correction, walang kami. It was just an arranged marriage." Hindi naniniwalang iningusan niya ako. "Sus! Tatlong taon na nakalipas pero in denial pa rin kayo." Umawang ang mga labi ko. "H-Hoy! Hindi porke wala na ako rito ay gaganyanin mo na ako, ah! Anong in denial pinagsasabi mo riyan?" Nang aasar siyang tumawa. Mahina lang dahil kapag narinig siya ng mayordoma, tiyak na kutos ang abot niya. "Huwag ako, Ma'am! Kaya baliw na baliw sa inyo si Sir kasi halata namang may gusto, ayaw pa ring bumigay," tumatawang saad niya. Babatuhin ko na sana siya ng suot ko stilettos nang may biglang nagsalita sa likod namin. Kaagad siyang napatigil sa pagtawa at napayuko. "M-Ma'am Vivian! Nandiyan po pala kayo," saad niya saka alanganing tumawa. "Mary, iyan ka na naman sa pang-aasar mo!" saway ng bagong dating. Pinanlakihan pa ng mata ang matabil na babae. "Kapag narinig ka ni Reagan, tiyak tatanggalin ka noon!" Napakamot sa ulo ang babae at nagpaumanhin bago kumaripas ng takbo paalis. Mas bata sa akin ng tatlong taon si Mary at kahit bente tres anyos na, maligalig pa rin. "I'm sorry about that, Ryleigh. Ganoon talaga ‘yon. Pagpasenyahan mo na." Umayos ako nang upo nang umupo rin siya sa katabing sofa. "It's okay. Sanay na ako." Bahagyang lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. "Really? Do you know Mary personally?" Hindi ako nakasagot. Nagdalawang-isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na halos ibahay ako ng hayop na ‘yon noon. Baka mag-awat pa sila at ako pa ang sisihin. "Hindi," tipid kong sagot. Napa-oh naman siya bago muling ngumiti. I don't see any plasticity on her smile. It was a genuine smile. Even her eyes is smiling. Wala akong nakakapang pagkadisgusto niya sa akin kahit pa alam niyang ex-fiance ako ni Reagan. I should smile back at her, kahit polite lang sana but I couldn't seem to lift a smile in my face for some reason. Daig ko pa ang nireregla. "Have you eaten already? Nagpahanda ako ng hapunan. You can eat with us," suhestiyon niya. "No. It's okay. Sa bahay na lang ako. Besides, nagmamadali rin akong umalis. I am just waiting for. . . him," saad ko. Pilit pa ang pagkakasabi ng him. "Gano’n ba?" Nalulungkot na tumango siya. "I understand. You're a C.O.O and tomorrow you will be the acting C.E.O. Siguradong marami kang ginagawa kaya hindi na kita pipiliting kumain, pero magbaon ka ha! They cooked a lot. Baka masayang, eh." Tumango na lang ako. Napansin ko na masayahin siya. Madaldal din which is hindi mapapansin dahil sa pagiging mahinhin niya. Akmang magsasalita siya nang biglang tumunog ang cellphone. I suddenly become alerted when I saw it was Manang Aya. "I-I'll just take this call," nauutal ko pang paalam. I didn't wait for her answer because I immediately stood up and went outside. Sinara ko ang sliding glass door bago lumayo at sinagot ang tawag. "Manang Aya? Bakit po? May nangyari po ba?" mabilis kong tanong. "Mommy!" "Gideon?" gulat kong tanong. "Yes! Mommy! Are you going home now, My?" tanong niya sa kabilang linya. "Not yet, baby. May kakausapin muna ako bago ako umuwi. Si Manang Aya? Where is she?" malambing kong tanong. "She's cooking po." "Okay. Once I'm done with my meeting, uuwi na rin ako," saad ko. "Okay. Bye-bye, Mommy! Take care po. I love you, My." "I love you too, baby. I'll hang up now. Bye-bye!" masaya kong paalam. Nakangiti pa rin ako nang mawala ang anak ko sa linya. He's turning four this year pero para nang malaking tao kung magpaalala. I turned around to go back inside but my feet froze as a pair of sharp grey eyes meet mine. Mabilis na naglaho na parang bula ang ngiti sa mga labi ko. Napaatras ako nang bigla siyang humakbang pabante sa akin. His jaw clenches as his eyes went even sharper. "You hate it when I call you that endearment, but now. . ." Pagak siyang natawa. "You're calling another man that? How dare you?" Gusto kong sabihin na mali ang iniisip niya. Pero anong sasabihin ko? Na anak niya ang tinatawag ko ng endearment niya sa akin noon? "How dare you, Ryleigh? You really like tormenting me, don't you?" mabagal ngunit may galit niyang sambit. Ilang beses akong napalunok bago nakapagsalita, "T-That's not what you think it is—" Napasinghap ako nang bigla niyang higitin ang aking braso. Before I could even ask him why, I already found myself pressed on the walls. His lips on mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD