ANG balak ko sanang umuwi sa anak ko ay hindi nangyari nang muli akong tawagan ni Mom. Dad wants me to go to mansion before I go on my own place. Wala naman akong choice kundi sumunod. Baka sugurin pa ako nito at mabuking nang wala sa oras ang sekreto ko.
Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa labas ng bintana. Bored at gustong-gusto nang magpahinga. Ngunit ang pagod sa aking katawan ay parang bulang maglaho nang makarating kami sa mansyon. Ang dalawang kotse na palaging naka-park sa labas ng mansyon ay naging apat na!
Nagsimulang mamawis ang mga palad ko nang makilala ko ang pamilyar na kulay grey na mamahaling sasakyan na naka-park sa labas ng mansyon.
T-That car—
"Ma'am, nandito na po tayo."
Ilang beses akong napakurap bago ako natauhan. "S-Salamat."
Nanginginig ang kamay na inabot ko ang aking purse bago lumabas ng aking kotse. I looked over to the car one more time bago ako humakbang papasok sa loob.
Juliano's at the door, waiting for me at hindi lang siya nag-iisa. My mom's waiting at the sala. Looking agitated and worried. Napatayo siya nang makita ako.
"Ryleigh! Why did you suddenly go home? What happened?" pabulong niyang tanong.
I looked around first before answering, "I saw him with. . .with someone else. I know you've seen it too. He introduced the woman to Lolo Philips."
Nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa mga mata ni Mom. "Ryleigh—"
I cut her off. "We don't need to problem him anymore, Mom. Once he settled down, malaman man niya o hindi. Ayos na sa akin. He won't bother me anymore."
"Ryleigh? Are you sure na ayos lang talaga sa iyo? He's your ex-fiance and the—"
"Mom!" saway ko. Baka may makarinig sa kanya. "So what if he's with someone else now? It was just an arranged marriage. There's no feelings between us to begin with. He's nothing but a man I was once forced to be betrothed to!"
Hindi na nakaimik pa si Mom sa usaping iyon. Nag-iwas ako ng tingin at marahas na napabuga ng hangin.
"Bakit ako pinapunta ni Dad dito? At isa pa, hindi ba dapat nasa party pa rin kayo? Bakit kayo umuwi?" tanong ko.
Mom released a soft sigh. "Naroon lang naman ang Dad mo para sa iisang taong gustong-gusto niyang makausap."
Kumabog ang aking dibdib. "Kung gano’n, bakit ako pinapunta ni Dad dito? What's my purpose here?"
"I don't know about your Dad. Just go and ask him after he's done talking with that boy, Reagan. Magbibihis lang ako at maghahanda ng kakainin natin. Dito kana kumain," saad ni Mom.
Tumango na lang ako at pabagsak na umupo sa sofa. Minasahe ko ang aking sentido. It's not even midnight yet I feel like there's a lot that happened tonight.
"You hate me that much, huh?"
Nanigas ang mga daliri kong nagmamasahe sa aking sentido. Kumabog ang aking dibdib nang marinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin.
Pinilit ko ang sariling umayos nang upo. The last thing I want him to think is he can intimidate me. Palihim akong humugot ng malalim na paghinga.
"You shouldn't expect me to just forget about it after the things you've done," malamig kong sambit. "You. . . You deserve that word for destroying us!"
Narinig ko ang mahina at walang emosyong pagtawa niya. "It's been three years and you can't still move forward? You love that bastard that much?"
The word bastard made me snap from my thin patience. Marahas akong tumayo at hinarap siya. I planned to snap at him too but it was a wrong move.
Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya kaya nang tumayo ako at humarap ay tumama ang aking mukha sa kanyang leeg. Umatras ako para bigyan ng pagitan ang mga katawan namin.
But this man doesn't know the word personal space! When I move backwards, he moves forward.
"Don't call him that!" asik ko. "And f*****g stay away from me, asshole!"
Tumaas ang sulok ng kanyang mapupulang mga labi na para bang may narinig siyang nakakatuwa ngunit ang kulay abo niyang mga mata ay madilim at matalim na nakatingin sa akin.
"Ano ba’ng ginawa para sa ‘yo ng lalaking ‘yon? Why do you love him so much? He couldn't even do anything when I easily made you mine. How is he worthy of you, Ryleigh, when he couldn't even fight for you?" mababa at talim sa boses niyang tanong.
Tila nawalan ako ng dila nang hindi ako nakaimik sa kanya. Kumuyom ang mga palad ko at pilit na pinatatag ang kalooban dahil sa kirot na bumalatay sa aking puso.
"I was willing to give you everything, but you destroyed it just for that man." Pagak siyang natawa. "I couldn't even believe you'd threaten your parents that you will disown yourself if they went on the marriage. All of that for the man who doesn't even give a f**k about you."
"W-Wala kang alam!" nanginginig ang boses kong asik.
"You can say that, and you can also say that I deserve that word, Ryleigh. But let me remind you of this. If I deserve the word hate, so are you." Dumoble ang sikip sa aking dibdib.
He stepped backward. His blank and sharp eyes turned cold and murderous.
"For accusing me of destroying a relationship that was already damaged," he said before turning his back at me.
Hindi ako nakapagsalita. Natulos ako sa aking kinatatayuan hanggang sa naramdaman ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng mula sa aking mga mata.
TAHIMIK akong kumakain habang nag-uusap si Dad at si Reagan. I didn't eat at the party that's why I was a little hungry earlier ngunit dahil sa nangyari kanina nawalan na ako ng gana.
"Ryleigh!" pabulong na suway ni Mom. "Stop playing your food!"
Huminto ang kamay ko sa ginagawang pagtusok-tusok sa manok. Dahil tulala ako, hindi ko na alam na minu-murder ko na pala ang pagkain ko.
Umangat ang tingin ko sa harap ngunit hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa akin. Nasalubong ko tuloy ang kulay abo niyang mga mata. Mabilis akong nagbaba ng tingin sa pagkain ko.
"I'm not hungry anymore. Puwede na ba akong umalis?" walang amor kong tanong. Naghihintay pa sa akin ang anak ko.
"We have a visitor, Ryleigh! Have you forgotten your manners, young lady?" istriktong saad ni Dad.
Hindi ko naman napigilan ang pag-ismid ng mga labi ko. Napatingin na lang ako kay Mom nang bigla niyang tapakan nang marahan ang paa ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"What?" bagot kong tanong.
Hindi ko narinig ang sagot ni Mom nang makarinig ako ng nang-iinsultong tawa mula sa lalaking nasa aking harap. Napatingin kay Reagan. May maliit na ngisi sa labi niya na hindi ko malaman kung nang-iinsulto o ano.
Wala naman siyang ibang sinabi bukod sa pagtawa niya. He went on his conversation with my father like nothing happened. Ibinaling ko na lang ang paningin ko aking plato at pilit na kumain bago pa ako mawalan ng pasensya at mapalipad ko ‘tong manok sa mukha niya.
"Do you mind me asking about the woman you introduced earlier?"
Pasimpleng umangat ang tingin ko kay Dad dahil sa tanong niya. Saglit na natigilan si Reagan sa pagkain.
"What about her, Sir?" kaswal na tanong ni Reagan.
Really? Rito pa talaga nila pag-uusapan ‘yan?
"Are you planning to settle down with her? I don't mean to invade your privacy by asking that, but I'm really curious," saad ni Dad.
Nagkaro’n na ng linya ang noo ko dahil sa mga tanong ni Dad. Seriously? Why would he ask Reagan about that?
"You could say that."
Biglang pumait ang panlasa ko kaya binitiwan ko ang kubyertos at inabot ang tubig.
"You're considering it then," saad ni Dad na tumatango-tango pa.
Hindi na ako nakatiis pa. "Dad! You don't have to ask him that. Stop it!" gigil kong sambit.
Bumaling sa akin ang atensyon nilang dalawa. Blangko sa emosyon ang mukha ni Reagan habang si Dad ay painosente ang mukha ngunit magkasalubong ang mga kilay.
"Gusto ko lang malaman," katwiran ni Dad.
I really wanna smack my father's nape right now! Kelan pa pa siya naging tsismoso?
"You're obviously invading his privacy. Baka mamaya ay malaman pa ‘yan ng iba. If you're mad at me for tainting our reputation, you shall restrain as well from asking ridiculous questions!" bulalas ko.
Ang blangkong mga mata ni Reagan ay biglang tumalim. "I'm not that kind of person, Miss Sebastian."
Inismiran ko siya.
"Ryleigh," tawag ni Dad. "I just want to ask Mr. Iverson here to know if there's still a chance."
Muling nangunot ang noo ko. "Chance?"
Tumingin si Dad kay Reagan at ngumiti na para bang isa siyang amang proud na proud sa anak nito.
"A chance to continue the marriage."
Nanigas ako at nagimbal sa sagot ni Dad. Pati ang dila ko ay na-froze. Kahit gusto kong ipahayag ang protesta ko ay hindi ko magawa.
"I don't think that's possible, Sir," pahayag niya makalipas ng ilang segundong pananahimik.
"Why not? My daughter has been single for three years! Actually, four years!" bulalas ni Dad na para bang isa na ‘yon sa pinakamagandang bagay na nasabi niya sa tanang buhay. "She hasn't dated any men! I don't know what's wrong with her rejecting you, but if you can still consider the marriage. I'm open to it, Mr. Iverson."
Bagsak ang panga ko sa sinabi ng aking ama.
"Dad!" gigil kong asik. "That is my life you're talking about! You can't just choose anyone like it's a business deal!"
Nagtagis ang mga ngipin ko nang hindi niya ako pansinin. ‘Yung totoo? Siya ba talaga ang Dad? Sa harapan ko pa talaga!
"Hasn't dated for years?"
Nawala ang atensyon ko kay Dad at napunta kay Reagan. May emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko mabigyan ng kahulugan.
"I didn't date because I am busy. And besides, I don't need a man in my life. Kaya kong mabuhay mag-isa." At kaya ko ring buhayin ang anak ko ng mag-isa!
Baka isipin niya pa may kinalaman siya kung bakit hindi na ako pumasok sa isang relasyon. . . Well, I admit. May kinalaman nga siya. He impregnated me! I was so cautious and my attention shifted to my son instantly that I had lost interest on finding a partner.
Ang galing niya talaga manira!
"I'll think about it."
Umawang ang mga labi ko. "Are you f*****g serious right now?"
Napasinghap si Mom na nasa aking tabi habang si Dad ay nabitin sa ere ang kamay na may hawak na kutsara na isusubo na lang sana.
"Ryleigh!" asik ni Mom. "Hanggang kailan ba kita pagsasabihan ha? Isa ka nang—"
Nanlaki ang mga mata ko.
"—dalaga! P-Pero ang bibig mo, hindi mo pa rin kayang kontrolin!"
Ngayon lang ako nakahinga nang maluwag kahit na sinesermunan na ako. That was close! Katapusan na talaga namin kung nadulas si Mom.
I cleared my throat. "I think I need to go. Lumalalim na rin ang gabi," saad ko.
Inurong ko ang upuan at akma na sanang tatayo nang biglang magsalita si Dad.
"Dito ka na matulog," utos niya.
"Dad!"
Hindi niya ako pinansin at lumingon kay Reagan na biglang natahimik.
"You too, Mr. Iverson. It's dangerous to drive at this hour. Dito ka na magpalipas ng gabi. We have a lot spare room upstairs," saad ni Dad.
Natigilan ako. Dahan-dahan akong tumingin kay Reagan. To my surprise, he is looking at me too. Umiwas din siya ng tingin para lingunin ang aking ama.
"Sure, Sir. I'll go now."
Para akong na-glue sa aking kinauupuan. Hindi ako nakagalaw hanggang sa mawala sa paningin ko si Reagan.
"Dad—"
"Stop being stubborn, Ryleigh!" saway ni Dad sabay tayo. "Bukas ka na umuwi. Malalim na ang gabi."
Wala na rin akong nagawa pa nang lumabas si Dad ng dining room. Nanghihingi ng tulong akong tumingin kay Mom pero pinanliitan niya lang ako ng mga mata.
Damn it!