DAHIL sa kalandian ng talipadas sa aking tabi, late tuloy kami ng thirty minutes. Nakanguso tuloy ang anak ko na nakatingin sa amin ni Reagan na parehong kumakain. Nakabihis na si Gideon. Handa na sa pagpasok at kami na lang ang hinihintay. “I’m late!” himutok ng anak ko. Nagmadali ako sa pagsubo. Kung puwede ko lang sakalin ang lalaki sa tabi ko, ginawa ko na! Pasalamat siya at mas matangkad siya sa akin. I reminded him several times na mala-late kami pero tuloy lang siya sa sariling kalandian hanggang sa pagligo! “Dahan-dahan,” saad niya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa maubos ko ang kinakain. I’m irritated at him but I’m mostly irritated to myself. I couldn’t believe I let it happened again. Pinagsisihan ko pa ang nangyari kagabi tapos kanina ay nangyari na naman! At wala man

