OUR NEXT CHILD. Those words never left my mind. Halo-halo ang nararamdaman ko ukol sa mga salitang binitiwan ni Reagan. Should I be mad? Pero kanino? Sa kanya ba because I feel like he planned this. O dapat sa sarili ko dahil hindi man lang pumasok sa isip ko iyon? Of course, there’s a big possibility. Ang anak nga namin ay nabuo sa isang gabi lang. Iyon pa kayang sunod-sunod? Saglit akong pumikit at sinapo ang aking noo. I leaned closer to the window. We’re on our way home after the dinner in my parent’s house. Nasa likod si Gideon, tulog na at si Reagan naman ang nagda-drive. The silence enveloped us but it’s neither awkward as before nor tense whenever we had a fight. But no matter how comforting the silence is, nandito pa rin ako sa gilid. Nanakit ang ulo sa dami ng iniisip.

