Chapter 43 Napapatulala ang pamilya ni Heaven sa mga bisita nila sa kanilang tahanan na kasabay nilang kumakain ng hapunan. Sobra ang gulat na naramdaman nila ng pagbalik nila galing palengke ay may madadatnan silang anim na mga lalaking sa porma palang ay makikita ng katulad ni Devil na mayayaman na kahit ang mga kapitbahay nila ay napapasilip sa bahay nila makita lang ang anim na mga nagga-gwapuhang lalaki na ibinaba ng isang magarang helicopter na talagang ikinagulat ng mga kapitbahay nina Heaven. Lihim nalang na nagpapasalamat ang ina ni Heaven dahil ang napamili nila ay sasapat sa kanila at sa mga bisita nila na hindi niya alam kung kumakain ba ng mga pagkaing niluto niya na bakas sa mga mukha nito na ngayon lang nakakita ang mga ito ng mga pagkaing inihain ng ina ni Heaven. “

