Chapter 46 Part I Nakatulala ang ama at ina ni Heaven sa mga mamahaling gamit na nasa labas ng bahay nila, hindi parin nagsisi-uwian ang mga usisero’t-usisera nilang kapitbahay dahil hindi parin sila makapaniwala na may mga dumating na mamahaling gamit sa bahay ng ama ni Heaven. Nagbubulungan sila sa kinatatayuan nila at tinatapunan ng tingin sina Blue na nasa likuran ng ama ni Heaven na malawak na nakangiti. Magkahawak kamay naman na nakatayo sina Devil at Heaven sa tabi ng ina niya habang nakatingin sa kaniyang ama. “Ano ‘to?”sambit na tanong ng ama ni Heaven na binalingan ng tingin si Devil matapos nitong maka recover sa pagkakagulat. “Tito Luisito naman, sala set , dining set at dalawang higaan ang mga ‘yan.”ngiting sagot ni Blue na masamang tingin ang ipinukol ng ama ni

