Epilogue Napa-buntong hininga si Heaven na napa-upo sa isang bench sa ilalim ng puno malapit sa University na personal niyang pinuntahan para mag-inquire para sa pagkuha niya ng Masteral niya after niyang maka graduate ng college. Gustong-gusto talaga ni Heaven na maging guro kaya pinilit niyang makaluwas ng Manila para ma-push niya ang pagkuha niya ng Masteral para mabilis siyang makuha ng School na papasukan niya para makapagturo ng mga bata. Kaya lang bigo si Heaven sa University na gusto niyang pasukan para sa Masteral niya dahil puno na ang slot ng Masters in Education. Inalis ni Heaven ang balabal na itinakip niya sa kaniyang ulunan dahil sa init at pati salamin niya ay inalis niya habang pinakatititigan ang University na ekis na sa listahan niya na gusto niyang pagsukan. “Nakakap

