Hebe Iniangat ko ang mukha ko mula sa paghihilamos ng may narinig akong pumasok sa loob ng powder room. Nakapusod ang buhok ko para hindi iyon mabasa. Kumuha ako ng towel saka pinunasan ang mukha ko ng makilala ko kung sino ang pumasok "Nandito ka pa pala?" bungad niya sa akin saka nilapag sa ibabaw ng sink yung mamahalin niyang bag. She curled up her very red lips saka sabay niya akong tinaasan ako ng kilay "Nagtratrabaho ako dito!" sagot ko sa kanya matapos mapatuyo ang mukha "Hmm sabagay ano bang alam mo bukod sa pagiging sekretarya?" tanong niya saka ngumisi. Binuksan niya ang bag niya saka inilabas lahat ng mamahaling niyang make-up. Pinasadahan pa niya ng tingin ang simpleng face powder at lipgloss ko na nasa tabi ng mumurahin ko lang na bag. Nakangiti siyang naglalagay ng lipsti

