Hebe "Nakakapagtaka talaga ang panahon ngayon ano?" rinig kong sabi ng katrabaho ko "Oo nga December na nag-uulan pa, tsk! Naalala mo ba yung nakaraang pasko yung may bagyo? Grabe na talaga ang nagyayari sa mundo..." napailing na lang ako ng marinig ko ang mga hinaing ng mga katrabaho ko, buti pa sila yan lang ang prinoproblema, ilang linggo na lang pasko na, matapos iyon birthday naman ni Haley at pagkatapos at pagkatapos nun aalis na rin ako dito. I took a sip from my hot cup of coffee. Malakas ang aircon ng opisina, isinuot ko ang sweater ko at natingin sa labas, makulimlim nga at parang uulan. Sinimulan ko na ang trabaho ko, wala si Tita Sophie ngayon, nasa isang business meeting sa Japan kasama si Tito Miguel. I sighed matapos kong magtype ng 100 pages na document. "Hebe!" bati sa

