Hebe Maglapit ng mag alas-numwebe ng gabi ng matapos ko ang trabaho ko, as usual over time nanaman. Wala akong magagawa lalong dumadami ang mga trabahong binibigay sa akin lalo pa't itong dalawang linggo na lang birthday na ni Haley. Kinuha ko ang bag ko at ilang folders na iuuwi ko para doon na ipagpatuloy sa bahay. Ilang papeles lang yun na kailangan sa presentation bukas. Pababa na ako at palabas na ng lobby ng biglang tumunog ang cellphone ko. Biglang nag-init ang mukha ko ng makita ko kung sino ang tumatawag. Sky Calling... Lumunok ako at ilang beses huminga ng malalim bago sinagot iyo "S-Sir.." ilang araw ko na siyang di nakikita, matapos ng nangyaring iyon bihira ko na siyang nakakasalubong. Minsan nga hindi ko na nakikita kahit ang anino niya. Mahirap at masakit pero ito ang da

