Hebe "Sky..." simula ko ng nagkaroon na ako ng pagkakataong makausap siya. Ilang araw na rin kaming ganito, naiintindihan ko naman na marami na siyang ginagawa dahil papalapit na ang pagpalit niya sa pwesto ng Mommy niya pero... P-pero mas nagiging madalas ang hindi namin pag-uusap dahil marami na rin siyang ginagawang bagay maliban sa trabaho. "Hmm?" sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga papeles na binabasa niya, wala si Tita Sophie at more than half na rin ang nabago sa office, malapit na talagang maging CEO si Sky pero ang pinapangamba ko ay ang pagkawala niya ng oras sa akin...sa aming dalawa. "A-Ah, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya ng hindi ko mahagilap ang mga salitang dapat kong sabihin "I'll eat outside, wag mo na akong bilihan..." sagot niya sa akin habang hindi pa r

