Hebe Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya saka ito agad na sinuklay. I looked in front of the full length mirror habang sinusuklay ang mahaba at medyo basa ko pang buhok. Medyo namumula pa ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina. Ang bigat ng pakiramdam ko, para akong isang bata na nakabasag ng pinakamamahal na vase ng magulang niya! I let my hair fall as I walked outside the room. Ang lakas ng amoy ng showel gel na ginamit ko, amoy wild rose siya at malambot sa balat. I sighed. Saan kaya si Sky? Tinignan ko ang wristwatch ko saka tuluyang naglakad palabas ng bahay. May tatlong katulong akong nakasalubong at lahat sila busy sa ginagawa. Merong nagpupunas ng mga furniture meron ding mag ma-mop ng sahig. Lahat sila binati ako at gumanti naman ako ng ngiti. "Ano ang maipaglilingkod ko s

