8 years had passed masaya ang pamumuhay ko dito sa canada, matiwasay at walang kaaway.
Nakapagtapos narin ako sa pag aaral at gusto ko nga sana maging doctor pero sabi naman ni mommy na huwag na daw dahil ako daw ang mag manage sa companya namin, kaya wala akong magawa kundi sundin ang sinabi niya.
Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang nagiisa kong anak."Mom I'm hungry napo" sabi niya, kaya napatapik ako sa noo ko haytss.."Oo nga pala may anak pala akong nagugutom na, pano ba naman kasi kanina pa ako na katunganga dito pero yong anak ko kanina pa naghihintay kong kailan ako magluluto"mahinang bulong ko at mabigat na bumuntong hininga.
"Ok baby wait ka nalang muna giyan"Saad ko sabay turo ko sa hapag kainan agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.
Yes tama ang nabasa niyo may anak kami ni mike nung una ay nagtataka nga ako kong ba't ako nabuntis ulit.
Nung araw na umalis kami do'n ay lagi nalang ako nakakaramdam ng hilo o nasusuka hanggang sa nakarating kami dito ay 'yon parin ang nararamdamn ko.
"Jusko iha, anong nangyari sa 'iyo?!..Iha gumising ka!"Hindi ko na pala namalayan na hinila na pala ako pababa kaya ako napahiga...
Nagising ako dahil naramdaman ko na may humawak sa aking kamay."Nasaan ako, anong nangyari sa akin?"tanong ko kay Andrie."Nandito tayo sa hospital at ang sabi ni manang nawalan ka daw ng malay kahapon"Sagot nito na ikina-awang ng bibig ko. "ka-kahapon"Ani ko at tumango ito. "Nasaan si manang, bakit wala siya dito"tanong ko ulit
"Umuwi siya sa pilipinas"Muli akong napaangat dahil sa sinabi niya.
"Bakit daw?"
"Dahil naaksidente ang manugang niya, at kailangan may magbantay nito"
"Kailan daw siya babalik?"
"Hindi ko alam"
"At saka--"Hindi ko natuloy ang sasabihin ng bumukas ang pinto.
"Ohh.. your awake Miss del ffiero"Sabi ng magandang babae. Maybe nasa 40's na siya, hindi ako umimik bagko's mariin ko siyang tinitigan.
"I have something to tell you, And I know you'll be happy when you hear it"Ngumiti siya at lumapit sa akin. "Your 1 month pregnant Miss del ffiero"Nagulat ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala."How, how it happened."Masaya at halong lungkot sa aking nalaman."Aren't you happy with what you found out"Ani nito.
"No, I'm happy"Nagbabadya ang aking luha ngayon at muling tiningnan si Andrie na nakangiti. Paano ito nangyari, halos dalawang linggo na ang nakakalipas nang ako ay nakunan.
Kaya laki nalang ang pagkagulat ko ng malaman na isang buwan na pala akong buntis nung araw na'yon at medyo nagtataka rin ako.
kaya nag tanong ako sa mga doctor kong ano talaga ang dahilan kong ba't ako na buntis ulit. Pero lahat ng sabi nila ay kambal daw 'yong magiging anak ko, kong hindi lang nawala 'yong Isa, medyo kumirot 'yong puso ko dahil kambal ang anak ko sana, kaso iniwan niya kami. Kaya simula noon ay naging masaya ako kasama ang nag-iisa kong anak and speaking of Mike wala na akong balita sa kanya at ang Asawa niya dahil nga wala na akong pake.
She's Ayah Kate del ffiero my only baby in my life. Sabi nga nila para daw kaming magkapatid dahil dala niya ang last name ko, and I don't care wala na silang pake kasi buhay namin to bilang mag-ina.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa sofa para manood ng Korean drama sana, kaso umiiyak siya dahil hindi niya raw gusto kaya nilipat ko nalang sa ibang channel na PAMBATA.
Maya-maya pa ay nakatulog na siya kaya akmang kukunin ko na sana siya para iakyat sa kwarto namin ng biglang tumunog 'yong phone ko, pagtingin ko ay walang nakalagay na pangalan kaya sinagot ko nalang ito kahit kinabahan ako.
"Hello, sino to?"sabi ko ngunit hindi ito sumagot
"Hello sino ba'to?!"Sa oras na ito ay nasigawan ko ito. {"Ano masaya kana ba ngayon"}Ani nito sa kabilang linya. Sa pananalita nito ay galit ang tuno ng boses nito, magsasalita na sana ako ng bigla niyang patayin ang tawag, sino ba'yon, bakit pamilyar 'yong boses niya parang narinig ko na dati pero hindi ko maalala kong saan. Dahil sa aking kaba ay niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at dinala ko nalang sa kwarto namin, ng nilapag ko na ito sa kama ay muli namang may tumawag sa phone ko, kaya kinabahan akong tumingin sa cellphone ko, pero napahinga ako ng maluwag ng makita ang pangalan ni mommy at ito ay sinagot.
"Hello mom, bakit po kayo napatawag?"tanong ko sa kanya at umupo sa gilid ng anak ko.{"Ah, kasi anak kailangan mo nang umuwi ng pilipinas"}
"Bakit ho, mom?!"kinabahan ako dahil sa kanyang sinabi, hindi pa ako handa
{"Dapat kasi na doon ka magmamanage ng kompanya natin dahil uuwi ang kuya mo dito"}tama ang kuya ko ay nandoon sa pilipinas para sa kompanya namin
"Mom! ayoko, dito nalang ako plzz..Si kuya nalang doon tutulungan naman po kita sa kompanya dito"nagbabadya na ang aking luha.
"Anak hindi pwede ang kuya mo nalang dito, dahil marami siyang ime-meet na bagong mag-invest ng kompanya natin dito, kong ako naman ang pupunta doon ay matanda na ako hindi ko na kaya lalo na't sa mga byahe madali lang akong mahihilo dahil sa katandaan ko"Ani nito
"Pero mom, alam mo naman na kong anong nangyari sakin doon sa pilipinas kaya nga kami pumunta dito diba at baka hindi namin inaasahan na magkita kami muli at makita niya ang anak ko at kunin niya"ani ko.
"Hindi naman siguro kayo magkikita ang laki kaya ng Manila at hindi rin ako papayag na kukunin niya sa atin ang apo ko!" sabi nito, kaya wala akong nagawa kundi umoo nalang. Oo nga ang laki ng manila pero hindi natin alam ang mangyayari sa susunod.
"Hayst.. Ano ba naman to!"sigaw ko dito sa loob ng kwarto na kinagising ng anak ko.
"Mommy.. bakit ka po sumigaw nag away po ba kayo ni titodad?"Ani nito at bumangon
"Ah, hindi naman anak" sabi ko kaya agad ko na siyang pinaligo dahil pupunta pa kami kay Andrie siya 'yong tinutukoy na titodad niya.
Pagkatapos naming maligo at magbihis ay agad na kaming pumunta sa bahay ni andrie.