Charmaine's POV
Hindi ako makatulog kakaisip kay Kathy. Hindi ko matanggap na wala na siya. Pinabayaan ko siya! I don't want to be like this but l can't! I can't hide my emotion right now.. I can't stand to this situation right now! This is all bullshit! F*ck it!
Napatingin ako sa ibaba dahil nasa taas ako natutulog, yah know double deck ito. Tumingin ako at pinag masdan ito. Parang lahat ng mga ala-ala bumabalik naalala ko siya kong paano ngumiti si Kathy. Kahit kailan hinding hindi ko na makikita ang mga ngiting yon.
Bakit ganito naman kasi kaagad siyang nawala? Bakit siya agad? Napabangon ako ng may tumunog na music at alam ko kong anong kanta yon. Are you ready for it by Taylor Swift yon.
Tumayo ako para hanapin kong saan nagmumula ang kanta na yon. Unti-unti kong binuksan ang pinto. Malapit lang sa dorm namin dahil rinig na rinig ko.
Tumayo ako para hanapin kong saan ang kanta na 'yon. Malapit lang sa dorm namin dahil naririnig ko ang kanta.
Eksakto pag sabi nang 'Are you ready for it?' Yun rin ang may babaeng humampas sa uluhan ko. Bigla akong nahilo dahil sa ginawa n'ya. Pero agad din akong naka recover.
Hahampasin n'ya pa sana ako pero nakaiwas na ako. Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet size na salamin ko. Mabuti na lang lagi ko 'tong dala. Binali ko iyon at pinatama ko sa babaeng susugod na naman sa akin.
Hindi ko siya makilala kong sino siya dahil naka hoodie siya. Madilim din ang buong paligid. Hindi kasi naka bukas ang ilaw dito sa hallway.
Nasugatan ko ang braso n'ya pero napatigil siya sa pagsugod sa akin nang may makita siyang tao sa likuran ko.
Agad siyang tumakbo lumingon ako sa likuran ko. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako ng husto.
"Shion?" Napangisi siya sa akin at iniwan nya rin ako agad. Mukhang hinabol nya yong babae na humampas sa akin.
Napatingin ako sa kalangitan napakaraming bituin ngunit walang buwan. Napahawak ako sa ulo ko na dumudugo. f**k s**t!
Pumasok na ako ulit sa loob ng dorm at naabutan kong gising si Jane. Nagbabasa ito nang book hindi man lang siya tumingin sa akin. Hindi ko naman din siya pinansin. Pumasok akong banyo at naligo para mahugasan ang sugat na nasa ulo ko.
Pagkatapos kong maligo humiga na ako tumingin ako sa phone ko 3:30 am na pala. Tumingin ako kay Jane na tulog na ngayon at si Shannel na tulog rin. Napaisip ako kong sino ang babaeng muntik na akong patayin. Nasugatan ko siya sa braso kaya I'm sure madali ko 'yong makikita.
****
Pagkagising ko pa lang ang ingay na sa kabilang room. Lumabas ako para alamin kong anong nangyayare. Hindi ko halos magawang tumingin sa babaeng wala ng buhay. Mukhang nagpakamatay ito dahil naka bigti or sadyang may nag bigti sa kanya.
Pumasok na ako ulit sa loob as usual ako na naman ang huling nagising. Si Shannel at Jane wala na dito. Tumingin ako sa paligid ng makita kong parang may nag-iba.
Tumingin ako sa mga gamit ni Kathy. Tinago ko na 'yon isa-isa pero nagtaka ako dahil may isang bagay akong na pansin. Hindi ko na sasabihin kong ano ito pero ayokong mag-isip ng masama.
Kanina ko pa rin napapansin parang may ibang tao dito sa loob. Parang may nakatingin kasi sa bawat kilos ko. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na nang dorm. Kong sino man siya humanda na siya.
As usual wala na naman kaming klase pero nag bigay ang teacher namin ng modules. Para daw makahabol kami sa ibang mga schools. Nag open din ako ng internet pero 'di ako maka pag-open. Hindi kaya tinanggalan nila 'tong school ng internet? Mahigpit na rin ang security dito ngayon.
'Charlotte bakit naman kasi ganito ang school na ito? Ang hirap-hirap hanapin nang mga tao may sala sa'yo? Paano kita maipaghihigante?'
"Lalim ng iniisip mo," tumingin ako kay Jero na ngayon ay nakatingin din sa akin. Tinitigan ko siya ng husto...
"Ano nagwapuhan ka na naman sa akin?" Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya nakatitig pa rin ako sa mukha n'ya.
"Hey!" Tsaka lang ako tumingin sa ibang direction ng tapikin n'ya ako.
"Ayos ka lang ba?" Tanong n'ya marahan lang akong tumango sa kanya. May naramdaman na naman akong parang may nakatingin sa bawat kilos ko. Sino ba siya? Ano din ba ang makukuha n'ya sa akin dahil sa mga ginagawa n'ya.
"Maine!" Tumingin ako kay Jero na hindi pa rin bumabalik ang emotion sa mga mata ko.
"Ayos ka lang ba talaga?" Tumayo ako at pinakatitigan pa rin ang mukha n'ya.
"I'm fine don't worry." Lumakad na ako paalis at iniwan siya wala akong sa mood maki pag-usap kanino man o kahit sa kuya ko! Nagtaka ba kayo? Well yes, I have a brother in here. Alamin n'yo nalang kong sino siya. Once ko na siyang naka usap. Mukhang nasabi ko na rin pala dahil natawag ko siyang brother.
Alam kong gusto n'ya lang akong protektahan kaya nandito siya. But f*ck it I can handle myself without him. Actually dati na din siyang nag-aral dito pero never siya nag kwento ng mga nangyari.
****
Dumaan pa ang ilang araw pero wala akong mapaglabasan ng sama ng loob ko. Gusto kong makita ang katawan ni Kathy. Pero bawal naman kaming lumabas ng school na 'to. This school is so weird a f*cking weird. Wala man lang silang ginagawa! Marami ng namatay but they didn't do anything. Feeling ko nga hindi alam ng mga nasa labas ang mga nangyayari dito. Katulad nalang ng nangyari dati kay Charlotte.
Wala talagang kwenta ang school na 'to?! Sobrang malas lang ng mga nag-aaral at napamasama pa dito 'yong mga taong importante sa akin. Sila pa ang mga nawala.
Napaisip ako kong ano kayang ginagawa namin ngayon kong hindi ba siya namatay? Ano kayang ginagawa namin ngayon?
Kailangan kong alamin kong sino ang pumatay sa kanya. Sino ang nasa likod nitong lahat. Hindi kaya siya rin yong pimatay kay Charlotte. Impossible! Hindi nya kilala si Kathy at 'di nya ako nakita.
Pumunta ako sa dorm ng mga boys. Lahat sila naka tingin sa akin pero I don't give a s**t!
"What are you doing here?" Cold na tanong ni Zero. Hindi ko siya pinansin at nilampasan.
"Charmaine!" sigaw n'ya na ikinatingin ng iba pang mga nandito sa dorm.
"What the actual s**t Zero?! Can't you see it I don't want to talk with you! Hindi ikaw siya kaya wag kang mag pretend na ikaw siya." napahinto naman siya sa pinagpagsabi ko.
Tinutukoy ko si Aki medyo magkahawig naman talaga sila dahil nga kambal. Pero di talaga sila magka mukha magka hawig lang. Pero kong 'di ka sanay sa mukha nila mapapagkamalan mong iisa lang.
"Yes, I'm not him but I can make you happy the way he did." What? Hindi ko siya pinansin at nilampasan na. He can never be him! Never ko rin siyang magugustuhan dahil in the first place nagdusa ang kaibigan ko ng dahil sa kanya. I will never forgive him!
****
Pumunta ako sa pinaka dulo ng dorm pero hindi ko siya nakita. Halos 3 hours na akong naghahanap sa kanya pero 'di ko siya makita. Maybe he's not here. Hindi talaga siya naglulungga dito sa dorm nila.
Lumabas na ako ng dorm at namalayan ko nalang paglabas ko ng dorm na 7:30 pm na pala. What the heck!
Agad akong tumakbo papunta sa dorm ko pero wala pa man ako nakakalayo ng may humila sa akin.
"Ako bang hinahanap mo?" Napatitig ako sa kanya. Hindi ko kayang sagutin ang tanong n'ya dahil siya talaga ang hinahanap ko.
"Hindi." mahinang sabi ko. Pero alam kong kilala n'ya ako at 'di siya maniniwala sa mga pinapagsabi ko. Napangisi siya sa sagot ko.
"Really, huh? I miss you." Yayakapin n'ya sana ako ng tinulak ko siya palayo sa akin.
Hindi ako pwedeng magpa dala sa kanya dahil sa ngayon sarili ko muna ang pagkaka tiwalaan ko. Kahit na matalik siyang kaibigan ni Charlotte. Kailangan ko lang talaga siyang ma kausap dahil siya lang ang may alam sa mga iba pang nangyari dati.
"I don't trust you." Nasa gilid kami ng building at wala ng mga student na naglalakad dito. Halos pabulong na din ang pagsasalita ko sa kanya baka may maka rinig.
"Ouch," nag acting pa siya na parang nasasaktan siya ng sabihin kong wala akong tiwala sa kanya. Alam ko rin naman mas wala siyang tiwala sa akin. Alam kong nagpapanggap lang siya.
"So sorry." sagot ko nalang.
"It's okay, I understand." Ngumiti siya sa akin. "Ano nga pala sanang kailangan mo sa akin?"
"Meet me tomorrow, I want to know everything." Nag nod naman siya sa akin.
"Ihahatid na kita sa dorm mo."
"No, I can handle it." Alam kong gusto n'ya lang akong protektahan bat kaya ko naman. Nakaya kong mag-isa at 'di siya kasama dati.
"Okay, just be careful." Nag nod ako sa kanya. Agad siyang nawala sa dilim.
Hindi ko alam kong kailan ko na naman makikiya si Aki. Paano kasi pa sulpot sulpot lang talaga siya. Pero alam kong nandyan lang siya at laging naka masid.
Feeling ko mas mapanganib pa siya. Pero kailangan kong panghawakan ang mga ala-ala ni Charlotte na bumabalik dito sa isipan ko. Kailangan ko rin alamin kong bakit ako nagkakaroon ng ala-ala n'ya? Kahit na hindi naman ako siya.
Bago matapos ang gabi na 'to kailangan kong malaman kong sino-sino ang mga kasabwat sa pagkamatay ni Charlotte.
*****