Charmaine Pov
As usual ako na naman ang tanghali gumising. Pinauna ko na si Kathy dahil baka ma late lang siya kapag hinintay n'ya pa ako.
Bumangon na ako at ako nalang mag-isa dito sa dorm nang may mapansin akong isang bagay. Nasa ilalim siya ng kama ng isa sa mga ka dorm mate ko. Kinuha ko ito at may mga natuyong dugo pa. Tama nga kaya ang hinala ko?
Naligo na ako at nag bihis pagdating ko sa room wala naman masaya sila dahil hindi pa pasok ang teacher namin. Hinanap ko si Kathy pero hindi ko siya makita.
Naglibot nalang ako ng school hanggang sa nakarating ako sa may dulo nito.
Napansin kong may lumang restroom dito. Mukhang hindi na siya ginagamit dahil luma na. Babalik na sana ako ng mapa hinto ako.
"Hey!" Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.
"Totoo nga ang sinabi nila suplada ka." Sino naman ang nag sabi sa kanya na suplada ako?!
"Excuse me.. Do I know you? For your information I don't talk to stranger." Palakad na sana ako paalis ng higitin nya ang braso ko.
Nakita ko ang pag ngisi sa akin na nakakakilabot at ang mga tingin nya na hindi mo gugustuhing titigan.
"Kong ako sa'yo hindi ka na nag transfer dito. Alam ko may inaalam ka dito sa school na 'to." Agad ko naman tinabig ang kamay n'ya na nakahawak sa braso ko. Nginitian ko siya na nang-aasar at tinitigan ko rin siya sa mga mata.
"Bakit isa ka ba sa kanila? Natatakot ka bang malaman ko ang totoo?" Ngumiti din naman siya sa akin pero halatang nang-aasar din siya.
"Alam mo sa sarili mo na dapat ikaw ang matakot. Alam mong buhay mo ang kapalit sa bawat information na malalaman mo." Hinawakan ko naman ang mukha nya at ngumiti ako ng matamis.
"I know that.. Goodbye." Lumakad na ako at hindi ko na siya nilingon pero narinig ko pa ang sinabi nya.
"I hope, I will see you again.." Napa irap nalang ako sa narinig ko.
Napahinto naman ako sa paglalakad ko ng makita ko si Zero. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya pinansin nag tuloy lang ako ng lakad. I don't care to all of them! I only care only for Kathy..
Siguro kong nandito pa siya masaya kami.. Sobrang saya namin pero wala na siya.
Pero sa tingin ko hindi na siya natatandaan ni Kathy. Kahit nga ako hindi ko rin natandaan siya. Bago ko lang siya naalala as in kanina ko lang siya naalala 'nong nakita ko ang cr na 'yun. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit ko siya nakalimutan? Bakit may mga ala-ala sa akin na bumabalik na hindi naman dapat. Kasi wala akong naaalala na nangyari sa akin 'yon kaya sigurado ako na di pa nangyayari 'yon sa buhay ko.
****
Pauwi na kami ngayon sa dorm mukhang nauna na si Kathy dahil wala na siya sa room kanina. Aish bakit ba umuulan? Napahinto muna ako sa isang shed dito sa school. Malayo pa kasi ang dorm namin at ang malala sa second floor pa kami..
Sa may dulo kasi nitong school ang dorm namin tapos 'yung dorm ng mga boy's malapit lang din naman sa girl. Magkabilaang building lang.. Malayo pa ang lalakarin ko bago ako makarating ng dorm dahil nandito palang ako ngayon sa huling building dito sa school dahil dito kami kanina nag klase. Kaya lang napunta pa talaga ako sa may dulo kanina at sa mga kasulok sulokan nitong school na ito. Kaya hindi ko napansin na ang layo na ng napuntahan ko. Parang di ko pa kasi nakakalahati 'tong school sa sobrang laki.
Tumakbo nalang ako kahit nababasa na ako dahil 4:00 Pm na. Marami pa akong gagawin.. Kaso napahinto ako ng makita ko si Kathy na basa ng ulan at nilampasan siya ni Zero and Vivienne.
"Kathy!" Kahit umuulan halatang umiiyak siya. Agad ko siyang niyakap samantalang si Zero hindi man lang siya pinansin at naglakad na sila ni Vivienne. Tapos si Vivienne tumatawa pa na akala mo natutuwa siya sa nangyari sa kaibigan ko.
"Anong nangyari kay Kathy?" Tanong sa akin ni Jane na agad din inalalayan si Kathy. Nakarating kami ng dorm na basang basa. Samantalang si Kathy wala siyang imik kanina pa hanggang natapos nalang akong maligo. First time ko rin narinig kanina na mag salita si Jane at tinulungan n'ya pa kami.
Nilapitan ko si Kathy at pinunasan. Pumatak ang mga luha nya..
"Kathy.." Agad ko siyang niyakap kahit na basa pa siya. Why the world is so cruel to her?
****
Papunta na kami ngayon sa cafeteria para kumain.. Hindi pa rin nagsasalita si Kathy pero pag bungad kaagad namin sa cafeteria binato nila nang kong ano-ano si Kathy. Agad ko naman siyang niyakap.. Kahit na ang sakit na ng mga binato nila sa akin. Ayokong masaktan si Kathy. Ayoko
!
Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa kanya. Ayokong dumating ang panahon na mawala rin siya sa akin. Nakita ko ang mga luha na pumapatak sa mata ni Kathy.
Nang natapos na sila sa pangbabato sa amin at mukhang ubos na ang mga binato nila kaya hindi na sila nakakabato sa amin.
"Ah Pathetic b***h! Lahat talaga gagawin mo para sa kaibigan mo?!" Hindi ko siya pinansin at wala akong balak siyang pansinin.. Kinuha ko ang panyo ko sa bag ko at pinunasan ko ang damit ko. Tumingin ko kay Kathy may dumi siya sa mukha pinunasan ko rin ito.
Pumunta na kami sa isang bakanteng mesa.
Lahat sila naka tingin pa rin sa amin. Tumayo ako at tinignan sila na walang emosyon.
"The game is over! So, Fùck the hell off!" Lahat naman sila umayos ng upo na at nag simulang kumain. Tumingin ako kay Kathy na ngayon ay umiiyak. Niyakap ko siya, nasasaktan ako sa kalagayan n'ya.
****
Nandito kami ngayon sa swimming Pool nanonood sa mga swimmers. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita si Kathy nag-aalala na ako sa kanya.
Iniwan ko muna si Kathy dahil bibili lang ako ng makakain namin.
Nagbili lang naman ako ng sandwich at Juice. Habang naglalakad ako napa hinto ako dahil si Zero nakatingin na naman sa akin. Pero hindi ko nalang siya pinansin kaya lang nang malampasan ko siya hinigit nya ang wrist ko.
"What the hell is your problem Mr?!" Magaling akong magtago ng emosyon ko pero pagdating talaga sa kanya. Lumalabas ang mga tinatago kong emosyon. Ngumisi siya sa akin.
"Hanggang kailan mo ba siya poprotektahan?" Hinigit ko ang braso ko at tinignan siya ng masama.
"Hangga't kaya ko! Hanggang sa kaya ka na n'yang makalimutan! Hanggang sa nabubuhay pa siya!" Lumakad na ako paalis at iniwan siya.
Agad akong napatakbo dahil naririnig ko ang mga sigawan ng mga student sa may pool.
Napahinto ako ng makita kong sinasaktan ni Vivienne si Kathy sinampal sampal nya ito. Napapikit ako sa nakita ko at agad na tumakbo palapit sa kanila.
Hinila ko si Vivienne at agad na tinulak.
"Don't you fùcking touch her!" Agad naman akong sinamaan ng tingin ni Vivienne.
"What will you do if I want to touch her! I want to make her suffer! She's a w***e, a b***h!" Agad ko siyang sinampal ng matapos nyang sabihin ang mga salitang binatawan n'ya.
"She's not! Nagmahal lang siya 'yun nga lang ang minahal n'ya ay maling tao!" Gagantihan n'ya sana ako ng sampal pero tinabig ko ang kamay nya na sasampal sa akin.
"Nilalandi n'ya ang fiancè ko! Kaya pagsabihan mo 'yang kaibigan mo!" Hinarap ko naman siya..
"Pagsabihan mo rin ang boyfriend mo na dapat makontento siya! Sa uulitin na saktan mo pa siya I will fùcking kill you b***h!" Lahat naman napa gasp sa sinabi ko. Tumingin ako sa mga student na nasa paligid namin.
"All of the student here! Get the hell out! Tapos na ang palabas!" Agad kong hinila si Kathy pero hinila naman ni Vivienne ang buhok ko.
"Sinong tinakot mo?! Pinagbabantaan mo ba ako?" Agad ko namang inapakan ang paa n'ya kaya nabitawan n'ya ang buhok ko.
"Yes pinapagbantaan kita! Hindi mo alam kong anong kaya kong gawin ko. Kong ako sa'yo ititikom ko ang bibig ko! Sa oras na marinig ko pa ang boses mo. I will cut your tongue into pieces." Lahat naman ulit ng student napa gasp at parang natakot sa banta ko. Kahit si Vivienne na takot na rin pero bago ako umalis nakita ko pa ang mga ngising nakaka kilabot sa kanya. Pero mas hindi n'ya gugustuhin kapag ako na mismo ang ngumisi.
"Kathy, are you okay now? Gusto mo ba gamutin ko ang sugat mo?" Napailing naman siya sa akin.
****
Jessie Pov
"Grabe girl kong nandoon ka lang kanina sa pool. Grabeng live show." Hindi ko naman pinansin si Francheska. Wala naman akong panahon sa mga sinasabi n'ya.
"Ano ba kasing nangyari kanina? 'Yung binato nila kanina si Kathy?" Tanong naman ni Dhanniela.
"Ang alam ko nahuli kasi ni Vivienne si Zero and Kathy na nagkita last night." - Francheska.
"What? May tinatago din palang kalandian ang nerd na 'yun." - Dhanniela
"Pero mas nakakatakot si Charmaine. Gosh pinagbantaan n'ya si Vivienne." Charmaine? 'Yung transferee.
"Who's Charmaine?" Tanong ko naman kay Jessie.
"Yung new classmate natin, nakakatakot nga siya eh. Parang kaya n'ya talagang pumatay sa mga banta n'ya palang." Hindi ko na pinansin si Francheska at sila nalang ni Dhanniela ang nag kwentuhan.
Agad naman silang napatakbo ng makita nilang maraming student ang nagkakagulo at parang mga takot. Sumunod rin ako sa kanila at may nakita kaming bangkay ng isang student. Mulat pa ang mga mata nito na parang bago palang siya pinatay. At may marka ng 'X' sa buong mukha nya.
"My Gosh! Parang nauulit naman 'ata last year. Ngayon na nga lang tumahimik eh. Tapos mangyayari ulit itong ganito." Sabi ni Francheska. Tumingin naman ako sa kanya ng seryoso.
"Woy! 'Wag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan Jessie ang creepy." - Francheska.
"Sa tingin ko dapat ikaw 'wag ka ng maging madaldal baka ikaw na ang sumunod sa kanila." Sabi ko na lamang sa kanya at iniwan sila. Mamaya may mga darating na rin sito para mag imbestiga.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Charmaine.
"Long time no see," Agad na bungad ko sa kanya.
"Who are you?" Gusto kong tumawa sa tanong n'ya.
"You don't remember me anymore?" Ngumisi ako sa kanya.
"Paano naman kita makakalimutan. Ikaw ang nag simula nitong lahat ng ito. Kaya hinding hindi kita makakalimutan!" Lumakad na siya paalis at tinignan ko lang siya habang papalayo siyang lumalakad. Napangisi nalang ako sa tinuran nya. Hindi pa rin siya nagbabago katulad pa rin siya ng dati. Pero papaanong nabuhay siya?
****
Charmaine Pov
Nandito ako ngayon sa isang shed dahil ang boring sa dorm. 6:00 Pm palang naman at ang pasukan namin mamaya pa. Tapos kakain pa rin kami ng dinner ngayon 7:00 Pm siguro hintayin ko nalang na bumaba sila.
May tumatakbong babae pero naaninag ko pa siya dahil hindi pa naman as in gabi. Ako nalang kasi ang student talaga ngayon dito. Nasa dorm na ang lahat at mamaya pa sila lalabas para pumunta ng cafeteria mamayang 7:00 Pm.
May humahabol sa kanyang isang lalaki. Hindi ko makita kong sino siya dahil naka hood siya na itim. Hindi ko nalang sila pinansin. I don't fùcking care about them as long as na hindi 'yun si Kathy.
Tumagal pa ako ng ilang minuto bago ko narinig lahat ng student na bumaba sa dorm at pumunta sa cafeteria. Lumapit na ako sa ibang mga student at hinanap si Kathy pero hindi ko siya makita. Siguro ayaw n'yang kumain kaya gan'on hindi siya bumaba.
"Jane?" Nakita ko si Jane kaya tinawag ko siya.
"Kong itatanong mo si Kathy? Nagpaiwan siya sa taas ayaw n'yang kumain." Dadalhan ko nalang siguro siya ng pagkain mamaya. Kumain lang ako ng mag-isa ng may isang babaeng umupo sa harapan ko.
"Hi I'm Francheska? Pwede ba kitang maging kaibigan?" Hindi ko naman siya pinansin at tumayo na ako para bumili ng pagkain ko.
Pagdating ko nandoon pa rin siya nakaupo at may kasama pa siya. Lilipat nalang sana ako ng table pero pinigilan nila ako.
"Dito ka nalang hindi mo naman kailangang umalis. Alam naman namin ayaw mo kaming maging kaibigan pero kasi gusto talaga namin ikaw na maging kaibigan." Inirapan ko naman siya sinabi nya.
"I don't need a friend." Bago ako umalis sa table at naghanap ng ibang mauupuan.
Matapos kumain agad akong pumunta nang dorm naabutan kong umiiyak si Kathy. Kami palang dalawa ang nandito dahil sinadya ko talagang bilisan kumain.
"Kathy anong nangyari?" Agad n'ya naman akong niyakap.
"Charmaine break na kami hindi n'ya na ako mahal. He choose Vivienne over me. Ang sakit sobrang sakit." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Kathy. Nahihirapan akong nakikita siyang umiiyak. Gustong-gusto kong pumatay! Tumayo ako at iniwan ko si Kathy. Tumingin ako sa wrist watch ko 8:00 Pm palang.
Nakarating ako ng mas malayo pa si Cr na napuntahan ko kahapon. May natagpuan akong isang lagoon doon.
Pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi dapat 'to nangyayari! Hindi dapat ako maging mahina dahil kapag ako ang mahina ako ang talo.
"AAAAHHHH!! BAKIT GANITO ANG NANGYAYARI SA BUHAY KO???!!! WALA NA BA TALAGA AKONG KARAPATANG MAGING MASAYA!!!" Kumuha ako ng bato at binato ko 'yun sa lagoon.. May naramdaman akong presensya kaya agad akong nag handa. Nilabas ko kaagad ang ballpen ko at binato sa kanya. Lumapit siya sa akin na hawak hawak ang ballpen ko.
"Akala ko mapapatay na kita dahil busing-busy ka kasisigaw." Tumingin siya sa akin ng mapang-asar na ngiti.
"Kasalanan mo itong lahat!! Dapat siguro mamatay ka na rin!" Pero bigla n'ya akong niyakap.
"I'm sorry Maine.. Hindi ko gustong saktan sila pero kailangan." Napapikit nalang ako sa sinabi n'ya. Bumitaw ako sa pagyakap n'ya at sinampal siya.
"Wala kang karapatan na yakapin ako!" Lumakad na ako paalis at iniwan siya doon.
Malapit na ako sa dorm namin ng salubungin n'ya ako. Bakit ba ganitong oras marami pa rin palang palakad lakad. Sabagay 10:00 Pm pa naman ang hindi na p'wedeng lumabas. 9:00 Pm palang naman ngayon.
"Ang ganda ng scene na nakita ko kanina," kasabay nang pag ngisi n'ya. Inirapan ko naman siya.
"Inggit ka? Gumaya ka." Nag smirk lang ako sa kanya bago lumakad na ulit. Siya yong lalaki na nakita ko nakaraan sa dorm.
Pagdating ko sa dorm tulog na si Kathy tanging si Jane nalang ang gising. Nagrereview 'ata but im not sure hindi ko naman nakita ang name n'ya sa list ng top achievers. Pero siguro gusto n'yang makasama sa ranking kaya nagrereview.
****
Ito na naman ako hindi maka tulog 12:00 am na. Nakita kong lumabas si Shannel kaya agad akong bumaba at sinundan siya. Marami akong naririnig na mga kalukos habang naglalakad sa Corridor. Hindi naman naramdaman ni Shannel ang presensya ko.
Nakarating siya sa isang tree house dito sa school. Masyado nang napakalayo nito parang malapit na kami sa kagubatan dahil marami ng mga puno ang nandito.
Umakyat siya sa tree house sa tingin ko may ibang taong naroon at alam ko na kong sino. Lumakad na ako paalis pero wala pa ako nakalalayo ng may tumabon sa bibig ko at hinila ako kong saan.
"Who the-?"
"Fùck are you?" Pagtuloy n'ya sasabihin ko.
"Aki?" nang makilala ko kong sino siya. Pero paanong na kilala ko siya? Dapat talaga hindi ko siya kilala pero kusang nag salita yong bibig ko na kilala ko siya! May natatandaan din ako na scene na kasama ko siya pero hindi ako yong babae sa ala-ala. Bakit naaalala ko ang mga ala-ala n'ya?
"Yeah, it's already 1:00 AM and i think tomorrow ilang bangkay kaya ang matatagpuan?" Agad ko naman siyang inirapan.
"Alam mo ba kada irap mo sa akin lalo akong naiinlove sa'yo.." Agad ko naman siyang inapakan sa paa n'ya. Napapilipit naman siya sa sakit.
"Alam mo ba pumapatay ako ng taong mahilig mang bola! Kasi baka i-shoot ko siya sa ring ng patay na!" Tumawa lang naman siya sa sinabi ko.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Kahit alam kong hindi mo natatandaan ang dati pero alam kong sa puso mo tanda mo ako dahil nalaman mo ang second name ko." Agad ko siyang inirapan.
"Hindi ko pa tanda ang lahat pero darating din ang panahon na matatandaan ko ng lahat." Halos pabulong lang ang sinabi ko dahil may naramdaman akong parang nakikinig sa amin. Pero mukhang hindi n'ya ako makikilala kong sino ako dahil naka hood ako ngayon at may mask na nakatabon sa mukha.
****