Unang lumiwanag sa tatlong naglalakihang mga Magic Circles ay ang kulay abong na may apat ding magkakapatong na Magic Circles. Nagkaroon ng makakapal na usok halos lahat ay naghintay, nagsusumigaw ang dragong ito sa kamatayan. Mula sa naglalakihang Kulay abong magkakapatong na Magic Circles ay lumabas ang higanteng dragon. Kung napakalaki na ng Phoenix, ano pa kaya ang maalamat na dragong ito na pinaniniwalaang alamat na lamang sa kanilsng Kontinente. Ngayon ay napatunayan nilang totoong nag-eexist ang maalamat na dragon na ito. Pumagaspas sa ere ang malahiganteng dragon na ito, makikita na ng mga taong nasa kalupaan ang aura ng kamatayan. Nagsusumigaw sa kalumbayan ang bawat pagaspas ng pakpak nito. Makikita mo ang kulay abong mga pakpak nito na may matitigas na mga buto na anim

