22 ALEXA "Ate angel!!!!!!" Nanakbo si Cia palapit sa'kin tsaka mabilis na yumakap. "Hello princess!!!" Yumakap din ako sa kanya. "Namiss kita ng sobrang Cia!!!" Hinalikan ko sya sa ulo. "Ate namiss din kita." She pulled away at tumingin sa likuran ko. "Kasama mo ba ang kuya?" Medyo nalungkot ako kasi hindi ko kasama si goon. Lumabas na rin ang papa ni goon at ngumiti sa'kin. "Kasama mo ba ang anak ko?" Sa itsura nilang dalawa halatang sabik sila na makita si goon. Hinawakan ko sa kamay si Cia at tumingin sa kanilang dalawa. "Ah mag-isa lang po kasi ako." Nakita kong sumimangot si Cia. "Wag kang magalala princess kasi sasabihin ko kay kuya mo na dalawin ka dito ha." Hindi pa rin nawala ang simangot nya. "Hindi ka ba naniniwala sa'kin?" Lumuhod ako sa harapan nya at hinaplos ko ang buh

