24

2096 Words

24 ALEXA Umakyat kami ni goon sa balcony sa itaas after dinner. Hindi kami parehong umiimik hanggang makaalis sila papa. "Ikaw ba ang tunay na goon?" Ako na ang bumasag ng katahimikan. Si goon na nakatanaw sa ibaba ay napatingin sa'kin. "O ikaw ang peke?" Hindi sya lumalapit sa'kin. Hindi sya naglalambing. Hindi nya ako hinahawakan kaya hindi ko masabi kung sino sa kanila ang totoong goon. "Ano bang sinasabi mo?" Sumandal sya sa posteng malapit sa kanya. "Natatakot ka ba? Dahil ba kina Cia? Dahil ba hawak sila ng pekeng goon?" Lumapit ako sa kanya. "Tutulungan ka namin. Alam namin ni Tuck ang nangyayari." Gustong gusto ko na kasing ibalik ang totoong goon. Pero iba ang tingin nya sa'kin. "Wag na wag kayong makikialam, aswang." Tumingin ulit sa baba si goon bago muling tumingin sa'kin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD