19 TUCKER "Bakit hindi ka bumaba at makisaya sa lahat?!" Inabutan ko si Zak ng beer dito sa itaas dahil napansin kong kanina pa sya nag-iisa. "Salamat dude." Ininom nya ang beer. "Gusto ko kasing makita kayong lahat at mapagmasdan mula dito." Napakunot naman ang noo ko pero di ko na lang masyadong pinansin dahil baka marami lang syang nainom. "Sya pala dude, baka pwede mo namang alalayan si aswang sa pagsasanay dito sa pub." "Huh? Kailan ka pa pumayag na magsanay si Lex?" Tumingin lang sa'kin si Zak tsaka muling ibinalik ang tingin sa ibaba. "Nagsasanay naman yan. Isa pa mukhang masyado na syang magaling. Kahit ikaw nga napatumba nya." "Dapat maging alisto kayong lahat. Wag lang yung physical strength." Tumingin sa'min si Lex at kumaway naman si Zak. "Medyo nag-aalala pala kami sa he

