Nagbunga ang unang gabing aksidenteng pinagsaluhan nina Pio at Quin. Wala namang kaso iyon kay Quin. Pero kay Pio… hindi n’ya alam kung handa na ba ito. Kailan lang ay nagtapat ito sa kanya ng nararamdaman nito. Pero hindi n’ya alam at hindi n’ya sigurado kung buo na talaga ang desisyon nitong magkaroon ng pamilya dahil niyaya na s’ya nitong magpakasal. Hindi n’ya alam kung nabibigla lang ito dahil may nangyari na sa kanila o sadyang nabago na ang pananaw nito tungkol sa pag aasawa. Wala pang isang oras pagkatapos makompirma nilang dalawa ni Robie na buntis nga s’ya. Pinauwi na rin naman n’ya ito agad dahil may pasok pa sila kinabukasan. Kanina ay tinanong s’ya nito kung kailan n’ya balak kausapin si Pio tungkol doon pero wala s’yang naisagot. Wala naman s’yang balak na ilihim dito ang tu

