Problema

2072 Words
Pasado alas sais pa lang ng umaga kinabukasan ay gising na si Pio. Dahil hindi s’ya nalasing sa nagdaang gabi ay agad s’yang nakatulog matapos n’yang magpakapagod sa kama ng tatlong ulit kasama ang babaeng nakilala n’ya sa bar. She didn’t even tell him her name after they shared that hot and wild night together. Well, that’s so much better for him. Kadalasan naman sa mga nakaka one night stand n’ya galing sa mga bars ay hindi na nagtatanong ng kahit na ano. And he never shared his name to some random girls he met. Katulad n’ya ay wala rin marahil na balak ang mga ‘yon na makipag commit sa kahit na sino. Like him, those girls are only seeking for pleasures in bed and he’s definitely the type who wouldn’t let those chances pass. Lalaki s’ya at aminado s’yang meron s’yang mga pangangailangang pisikal na hindi kayang ibigay ng sarili n’yang mga kamay. He prefers the “real thing” than his precious and skillful hands, anyway. And speaking of skillful hands… ang babaeng naikama n’ya kagabi ay sobrang bihasa ang mga kamay. He almost squirted in her hands while she was giving him a great handjob! Dahil sa naisip ay agad na ginapangan s’ya ng init sa katawan. Ipinilig n’ya ang ulo at agad na napabangon para makaligo na. Pasipol sipol pa s’ya matapos makaligo at makalabas ng banyo. Agad na kumunot ang noo n’ya nang pagbukas sa closet ay wala ang mga uniforms n’ya doon. Muntik pa s’yang mapapalo sa noo nang maalalang nakasampay pa ang mga ‘yon sa garahe nang ilabas n’ya kahapon para paarawan. Hindi na s’ya nag abalang magsuot ng brief at nakatapis lang ng twalya na lumabas para kuhanin ang mga uniforms n’ya. Paglabas n’ya ay agad na nabungaran n’ya ang mukhang bagong gising lang na si Quin. Halos pikit pa ang mga mata nito at mukhang may hinahanap. Nang bumaba ang tingin n’ya sa mga paa nito ay nahulaan kaagad n’ya kung ano ang hinahanap nito. Ilang beses na napailing s’ya at napangiwi. Kung bakit naman kasi alam na nga nitong paboritong itangay ng alaga nitong aso ang tsinelas nito ay hindi pa rin ito nagtatanda! Sabagay ay mukhang edad lang naman nito ang tumatanda pero ang isip ay nananatiling bata! “Tsk! Ano ba ‘yan parang bata!” pasaring n’ya habang inaabot ang mga uniform na nakasampay sa tapat ng garahe. Nakita n’ya pa ang pagkusot ng mga mata nito habang nililingon ang gawi n’ya. Hindi ito nag komento at inirapan lang s’ya habang halos maikot na yata nito ang buong terrace ng bahay ng mga ito dahil sa kakahanap sa isang tsinelas nito. “Ugh! Hurpy! Saan mo na naman ba dinala ‘yung tsinelas ko, baby?” narinig n’ya pang tawag nito sa alaga nitong aso at tila timang na kinausap pa iyon. Napailing iling s’ya habang pinapanood itong mukhang timang na naghihintay kung sasagutin ba ito ng alaga nitong aso! “Parang bata naman talaga oh!” muling pasaring n’ya dito. “Ay mali! Hindi pala parang bata… feeling bata!” dagdag na pasaring n’ya pa habang patuloy pa rin sa pagkuha ng mga sinampay. Hindi nakaligtas sa paningin n’ya ang pagtagal ng tingin nito sa kanya na tila ba sinadya talagang hintaying mapatingin din s’ya dito kaya nakataas ang kilay na nilingon n’ya ito. Humalukipkip ito habang pinupukol s’ya ng masamang tingin. “Ang aga aga may engkantong nagsasalita sa paligid, Hurpy. Pasok ka na do’n at baka mabati ka pa ng mga engkanto d’yan sa tabi tabi! Mahirap na baka maging kamukha mo pa. Pareho pa naman kayong in heat kagabi!” ganting pasaring din nito kaya tumaas ang kilay n’ya at hindi napigilang matawa nang maalala n’ya ang nangyaring pagka udlot ng pakikipaghalikan nito kay Marco kagabi. Muling napalingon naman ito sa gawi n’ya at tumaas ang kilay. “Anong tinatawa tawa mo dyan?” nakapameywang pang tanong nito. Natatawang umiling s’ya. “Oh? Nakakakita ka pala at may kakayahang makipag usap sa engkanto? Wow, Quin! Ano pa bang hindi mo kayang gawin bukod sa pagpili ng tamang lugar para sa pakikipaghalikan?” natatawang pambubuska n’ya dito. Kitang kita n’ya ang pamimilog ng mga mata nito nang makuha ang sinabi n’ya. Bahagyang namumula na rin ang pisngi nito dahil sa paniguradong kahihiyan. Inis na umupo ito at pumulot ng bato at agad na ibinato sa kanya. Napangiwi s’ya nang tumama iyon sa isang paa n’ya. Hindi s’ya makapaniwalang nag angat ng tingin dito. “Buti nga!” sabi pa nito matapos ilabas ang dila at binelatan pa s’ya! “Tsk! Feeling bata talaga!” patuloy na pambubuska n’ya. “Kesa naman sa’yo! Feeling macho! Mukhang kalansay naman!” tila nasusuka pang ganti nito. Napatigil s’ya sa pagkuha ng mga sinampay at hinarap ito para taasan ng kilay. “Kung kalansay ako, anong tawag sa’yo? Walking pata. Pata ng baboy!” tumatawang buska n’ya dito. Kitang kita n’ya ang panggigigil nito sa kanya at agad na yumuko para pulutin ang isang tsinelas at ibinato iyon diretso sa kanya! Dahil hindi n’ya agad nailagan iyon ay tumama ang tsinelas nito sa ulo n’ya! “Aww!” daing n’ya at agad na napahilot sa noo. Nang mag angat s’ya ng tingin dito ay wala man lang mababakas na guiltiness sa mukha nito habang nakahalukipkip na pinapanood s’ya. Hindi na n’ya ipinagtaka iyon dahil likas talagang maldita si Quin. “Bakit mo ko binato?!” inis na tanong n’ya. “Pakialam mo?” nakataas ang kilay na sabi nito. “Akin na nga ‘yang tsinelas ko!” utos pa nito habang lumalapit sa gawi n’ya. “Eh paano kung ayoko? Ibabato mo pagkatapos ay kukuhanin mo ulit? Bah!” sagot n’ya sabay taas ng tsinelas nito. Matangkad s’yang hamak dito ng ilang pulgada kaya sinigurado n’yang kahit anong gawin nito ay hindi nito iyon maaabot! “Akin na nga yan! Kapag hindi mo pa ibinigay ‘yan, makikita mo!” matapang na banta nito sabay taas ng mga braso para subukang abutin ang tsinelas nito na lalo lang n’yang itinaas kaya inis na tinapunan s’ya nito ng tingin. “Makikita ang alin?” he mocked and leaned closer to her. Namilog ang mga mata nito at agad na napa-atras nang sinubukan n’yang ilapit ang mukha dito. Napangisi s’ya. Babae ka pa rin! Anang isip n’ya. “A-Ano ba! A-Anong gagawin mo?” nauutal na tanong nito matapos ang ginawa n’yang paglapit ng todo. Lalo s’yang napangisi. Akala yata siguro nito ay may balak s’yang halikan ito. Lalo n’ya lang itong inasar dahil sa nakikita n’yang pamumula ng mga pisngi nito. “Oh bakit nauutal ka dyan? Akala mo hahalikan kita? Bakit? Chicks ka ba?” patuloy ang pang aasar na sabi n’ya. Sinamaan kaagad s’ya nito ng tingin. “Ibabalik mo ‘yang tsinelas ko o malilintikan ka sa akin?!” napipikon na bulalas na nito kaya lalo s’yang natawa. Maya maya lang ay magtatransform na naman si Quin sa pagiging isang human armalight na ratrat ng ratrat! “Bakit? Anong gagawin kapag hindi ko ibinalik ‘to?” nakataas ang kilay na hamon n’ya. Naglapat ang mga labi nito. “Ito oh…” sagot nito at halos mapasigaw s’ya sa sakit nang tuhudin s’ya nito! “Quin! Damn it! Ugh!” daing n’ya habang sapo sapo ang gitna ng mga hita. Sa sobrang sakit ay nabitawan n’ya ang tsinelas nito na agad naman nitong pinulot at tumingin pa sa kanya. “Buti nga sa’yong manyakis ka!” nakairap na sabi pa nito at agad na tinalikuran s’ya. Nkangiwing pinanood n’ya itong hindi man lang s’ya nilingon at nagdire diretso lang papasok sa bahay ng mga ito. Inis na pinagpatuloy n’ya ang pagkuha sa mga sinampay at mabilisang nagplantsa ng mga uniform. Bihis na bihis na s’ya nang bumaba para kumain ng umagahan. Nabungaran kaagad n’ya ang tatay n’ya nakaupo na doon at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Wala s’yang imik habang kumukuha ng pagkain at tahimik na umupo sa tapat nito para kumain. Hindi s’ya nagsasalita dahil sa pangyayari noong nakaraan. Tahimik lang s’yang kumain hanggang sa patapos na s’ya ay saka lang nagsalita ito. “Hindi mo dapat ginawa sa Nanay mo ‘yon, Pio…” Simula nito na hindi inaalis ang tingin sa binabasang dyaryo. Hindi s’ya umimik at ipinagpatuloy lang ang pagkain. Papasok s’ya sa trabaho at ayaw n’yang masira ang araw n’ya ng sobrang aga. Nang hindi s’ya nagsalita ay nagpatuloy ito. “I-Ikakasal na ang Nanay mo,” dagdag nito na nagpatigil sa kanya sa pagnguya at napaangat ang tingin dito. Ibinaba nito ang binabasang dyaryo at sinalubong ang tingin n’ya. “Pumunta s’ya kahapon dito para papirmahin ako ng annulment at ilang dokumentong pwedeng magpatunay na matagal na kaming hiwalay at walang komunikasyon. Ikakasal na sa iba ang Nanay mo, Pio..” paliwanag nito kahit na hindi naman s’ya nagtatanong. Humigpit ang kapit n’ya sa kutsara’t tinidor at napatiim bagang. Sampung taon ang pinalipas nito bago magpakitang muli sa kanila. At dahil pa iyon sa kadahilanang magpapakasal na ito sa iba at kailangan lang nito ang permiso ng Tatay n’ya para magawa nito ang gusto. Mapait na napangiti s’ya. Sa sampung taon ay ni hindi man lang sila kinamusta nito. Ni hindi man lang inalam nito kung maayos ba ang buhay nila o nakakakain ba sila ng sapat sa araw araw. Sa nakalipas na sampung taon matapos silang iwanan nito ay kahit kailan ay hindi man lang siguro sumagi sa isip nito. Lalong napahigpit ang hawak n’ya sa mga kubyertos. Iniisip n’ya kung anong klase ng babae ba ito para magawa ang bagay na iyon sa sarili nitong mga anak? Kahit man lang sana sila ng kapatid n’ya ay kamustahin nito, na tuluyan na rin nitong tinalikuran matapos nitong iwanan ang asawa nito para sa ibang lalaki. “Humihingi rin s’ya ng tawad sa inyong dalawa ni Paye dahil sa ginawa n’yang pag-iwan sa inyo noon…” pagpapatuloy nito nang hindi pa rin s’ya nagsalita. Lalo lang tumindi ang galit na nararamdaman n’ya para sa babae. Ten long years? It took her ten freaking long years to finally have the courage to see them and ask for their forgiveness? Anong klaseng ina ba ito? Inis na isinubo n’ya ng isinubo ang mga natitirang pagkain sa pinggan n’ya bago dali daling tumayo. Wala na s’yang balak pakinggan pa ang mga sasabihin pa nito sa kanya dahil wala rin namang kwenta ang mga ‘yon. “Pio…” tawag nito sa kanya nang tumayo na s’ya. Hindi s’ya umimik at magpapatuloy na sana sa paghakbang nang magsalita ulit ito. “Pinatawad ko na ang Nanay mo…” sabi nito na lalong nag patigil sa kanya. Kumuyom ang mga kamao n’ya habang pinakikinggang ang mga sinasabi nito. “Kung ako ang dahilan ng matinding galit na nararamdaman mo para sa kanya, ako na ang nagsasabi sa’yo, Anak… Matagal ko ng napatawad ang Nanay mo. Matagal ko ng tinanggap na hanggang doon na lang talaga kami. Kaya sana naman, Anak, mahanap mo na rin sa puso mo ang pagpapatawad  sa kanya. Dahil kahit na ano pa ang ginawa n’ya sa’yo o sa atin… ay mananatiling s’ya pa rin ang Nanay mo…” tuloy tuloy na sabi nito. Ilang beses s’yang lumunok at natigilan. Parang may kung anong nagbabara sa lalamunan n’ya matapos marinig ang katotohanang iyon mula mismo sa Tatay n’ya. Totoo naman ang sinabi nitong dahil sa ginawa ng babaeng iyon kaya s’ya nakapagtanim ng galit sa Nanay n’ya. Bilang panganay ay kitang kita n’ya kung gaano ito minahal ng Tatay n’ya. Ibinigay nito ang lahat at sinakripisyo ang lahat para lang manatiling buo ang pamilya nila pero pinili pa rin nitong saktan ang lalaking nagmahal dito ng lubos at walang hinihintay na kapalit mula dito. She chose to ruin her own family for the sake of her own happiness. Just how selfish she could get? Hindi s’ya nagsalita at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Agad na tinungo n’ya ang parking at sinakyan ang motor n’ya. Hanggang sa makarating na s’ya sa school ay laman pa rin ng isip n’ya ang sinabi ng Tatay n’ya. Buong maghapon tuloy s’yang walang imik at natutulala pa minsan dahil sa pagdaloy ng maraming bagay sa isip n’ya. Iyon pa naman ang pinaka ayaw n’ya sa lahat, ang dinadala sa trabaho ang pang sarili n’yang problema. Ipinilig n’ya ang ulo at sinubukang mag concentrate sa pagtuturo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD