Kanina pa tulala at wala sa sarili si Quin matapos ang nakaka leche at hindi sinasadyang pangyayari sa pagitan nila ni Pio. Kung bakit naman kasi ang walang hiya n’yang kapitbahay ay may nalalaman pang pamba blackmail sa kanya. Akala naman nito ay gugustuhin n’yang matikman ang mga labi nito na panigurado ay kung sino sino nang babae ang nakatikim! Ipinilig n’ya ang ulo at sinubukang ituon ang buong atensyon n’ya sa pagkain. Alam n’yang marami na s’yang nakakain pero halos hindi n’ya malasahan iyon kaya inis na inis s’ya! “Ate… hoy!” Nakakunot noo s’ya at hindi maiiwasan na maging iritable nang magsalita si Quiel. Kasalukuyan kasi silang naghahapunan nang mga sandaling iyon. Hindi n’ya alam pero parang lalong nairita s’ya nang makita ang mukha ng kapatid. Close ito at si Pio kaya pakira

