Kabado pero at the same time ay excited si Quin nang naglalakad na si Pio habang buhat buhat s’ya nito paakyat sa treehouse. “Nervous?” Nakangising tanong nito nang nasa b****a na sila ng treehouse para umakyat sa itaas. Tumaas ang kilay n’ya nang mahimigan ang pang aasar sa tono nito pero tumango pa rin s’ya. Lumawak ang ngisi nito at tuluyang humalakhak. “We will just talk upstairs. Bakit ka naman nine nerbyos, hmmm?” Hatang nang aasar na habol pa nito kaya gustong gusto na talaga n’ya itong dagukan. Ang kamay n’yang nasa batok nito ay aangat na sana para batukan ito pero agad na silang nakarinig ng mga boses na nanggagaling sa treehouse. Narinig n’ya ang mahinang mura ni Pio habang dahan dahan s’yang binababa. Ilang sandali pa ay pareho na silang napatingala dahil lumabas na ang mga na

