Kalalabas lang ng comfort room nina Quin at Robie nang makasalubong nila si Mrs. Benusa na agad napatigil nang magtama ang mga paningin nila. Ngumiti sila at bumati dito. Gumanti rin naman ito ng ngiti at saglit na natigilan nang may maalala. “Oo nga pala, Quin…” simula nito kaya ibinaling kaagad n’ya ang buong pansin sa matanda at medyo sinalakay ng kaba dahil sa pangyayaring nadatnan nito sa pagitan nila ni Melissa noong nakaraan. Naging masyadong busy kasi ito kaya hindi pa sila nakakausap nito tungkol doon. Nahiling nga n’ya na sana ay ‘wag na nitong ungkatin ang tungkol doon dahil aminado naman s’yang may pagkakamali din s’ya dahil pinatulan n’ya si Melissa. “A-ano po ‘yon, Madam?” Medyo kabado pa rin na tanong n’ya. Nakita n’ya ang paglingon ni Robie sa gawi n’ya. Wala nga pala ito

