"Ano na ang magiging plano mo niyan, Pare? Balik na tayo ng La Union bukas at malamang magkakaharap kayo ng pamangkin mong nagpapanggap na asawa ng asawa mo," tanong ni Sky sa akin habang panay ang buga niya ng usok. Hindi naman siya mukhang stress pero parang pakiramdam ko stress ang kaibigan ko. Hindi siya malakas manigarilyo pero kung makahithit siya ngayon ay parang gusto niyang ubusin ang buong kaha sa isang upuan lang. Maybe, problema na naman kay Jasmine. Until now yata eh hindi pa sila nag-uusap. Ayaw pa siyang harapin ni Jasmine pagkatapos nitong malaman ang buong katotohanan kung bakit sa kanya naghihiganti si Sky. "I am planning to talk to him. Kailangan naming magkalinawan dahil plano ko na ipakilala si Stella sa aming buong angkan. I am planning to throw a big party too. Ta

