Masakit ang buo kong katawan nang gumising ako kinabukasan. Daig ko pa ang dinaganan ng pison sa tindi ng sakit na nadarama ko sa aking likod, binti, baywang, at sa maselang bahagi ng aking katawan. Totoo nga ang sabi nila na pagkatapos ng sarap ay hirap. Hindi bale na dahil nasulit naman namin ng asawa ko ang honeymoon namin. Heaven, 'ika nga nila ang feeling. Walang makakapantay ng ligayang aming nadama sa piling ng isa't isa. Hindi ako tinigilan ni Erwin hanggang hindi ako ang unang sumuko sa aming dalawa. Asawa ko… Ang sarap naman pakinggan sa pandinig ng salitang ito. Mag-asawa na kami ngayon. Legal at wala ng magagawa si Mommy at Ysrael para ipilit ang gusto nilang mangyari. Baka nga pati si Mommy ay alam na peke ang kasal ko kay Ysrael. Nanahimik lang siya para matupad ang kasundu

