Calista HINDI matanggal ang ngiti ko. Simula nang pumunta kami sa party ay sobrang saya ng nararamdaman ko. Akala mo, lahat ng dinanas kong lungkot at paghihirap nitong nakaraang taon ay dahan-dahan nang pinapalitan ng saya. Nagsimula na rin ako sa review. Kahit papaano naman ay nakakaya kong pagsabayin ang pagtatrabaho. Natapos ko na ang mga kailangan kong gawin sa trabaho na mas maaga sa deadline. Ibinigay ko kaagad iyon kay Emily dahil kakailanganin niya ang mga ito. “Calista!” Napatingin ako sa isang katrabaho ko na tumawag sa akin. May inabot itong box sa akin at kinuha ko naman. “Package.” “Thank you.” Matapos kong magpasalamat ay tiningnan kong mabuti ang box. Wala akong maalala na may darating akong package sa opisina. Sinong nagpadala nito? Tiningnan ko kung sino ang send

