[Pamela] "PAMELA, naalala mo ba ang nangyari sayo bago ka naaksidente? Saka bakit hindi ka pa dinadalaw ng asawa mo at ng family mo?" Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko maintindihan kung bakit hinayag nila na patay ka na gayo'ng buhay ka pa naman. Hindi ka man lang ba nila hinanap?" Natigilan siya sa narinig. Si Alaric at ang pamilya niya? Tumulo ang luha niya sa nalaman niya. "Stop crying, Pamela. Kailangan mo magpalakas para makauwi ka sa inyo." Agad na umiling siya at humawak sa kamay ni Zoren. "A-Ayokong umuwi, Zoren..." Umiiyak na sambit niya. "W-Wala na akong balak na bumalik sa kanila." Tumakas siya para makalayo kaya ito ang nararapat n'yang gawin. "Pamela, pamilya mo sila—" "Wala kang alam, Zoren. Kaya ako narito ngayon kasi tumakas ako sa lahat. Kung ayaw mo na tulungan ak

