[Pamela] MATAPOS nilang maikasal ay dinala siya ni Alaric sa napakalaking bahay nito, kung malaki ang bahay nila Alden ay mas malaki ang bahay ni Alaric. Mga apat na beses siguro ang nilaki ng bahay nito kila Alden. Dalawang linggo na sila kasal. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay wala na si Alaric, umalis ito para asikasuhin ang ilan sa negosyo nito sa ibang bansa. At dahil do'n ay masaya siya! Para sa kanya na naikasal sa lalaki na hindi naman niya mahal ay malaking tuwa talaga iyon sa parte niya. Para parin siya walang asawa at magagawa ang lahat ng gusto niya. Kinasal lang sila sa papel at walang bawal o dapat gawin dahil wala naman silang pagmamahal sa isa't isa. Umiindak ang katawan niya bawat tugtog ng musika. Nasa club sila ngayon ng mga kaibigan niya. Ito ang unang beses

