37. TWH

1229 Words

PINATAY ni Alaric ang shower at inamoy ang leeg niya. "Hindi tayo maghihiwalay, Pam. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ka makakawala sa pagsasama natin." Itinaas nito ang maliit niyang katawan at inilagay ang binti niya sa baiwang nito. Dahil sa hilo at panghihina ay hindi niya magawa na pumalag. Kahit ang sampalin o hampasin ito wala siyang lakas. Hindi pa ba siya nito papakawalan dahil hindi pa siya nito tapos gamitin para sa paghihiganti sa kapatid? Mas lalo siyang naiyak. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko ayoko na!" Napatiim-bagang ito. Kita niya kung paano nabuhay ang kakaibang galit sa mata nito. "Hindi ikaw ang magdi-desisyon n'yan, Pam." "Bitiwan mo ako! Ayoko na at wala akong pakialam sa desisyon mo!" Nakahinga siya ng maluwag ng bitiwan siya nito, pero agad na nanlaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD