[Pamela] KANINA pa wala ang boses ni Alaric, pero nanatili na nakapako ang mata niya sa isusuot niya. Ngayon lang niya napansin na lahat ng nasa loob ng box ay kulay pink. Pink stiletto, pink make-up kit, at pati mga jewelry accessories ay magkahalong white gold at pink ang kulay. Is Alaric chose this because he knew her favorite color? Mapakla siyang tumawa. "Ano ba ang iniisip mo, Pam. Nagkataon lang 'yan kaya wag kang assuming. For him, you're just a toy." She looked up to prevent her tears from falling. That's right. She is just a toy. A damn beautiful toy. Tumulo na ng tuluyan ang luha niya. Sobrang sakit parin sa dibdib. Mahal na mahal niya si Alaric kaya ang isipin na ginamit lang siya nito ay parang dinudurog ang puso niya. Kahit ang pag-iwan niya rito ay masakit din para sa

