[Pamela] WALA siyang nagawa kundi ang hayaan ang mga bantay na sundan siya. Baka makahalata lalo si Alaric sa balak niyang pagtakas kapag nagmaktol siya. Napabuntong-hininga nalang siya. Habang naglalakad papunta ng restroom ay hindi na niya naitago ang pagsimangot ng mukha. "Mga kuya, baka pwede na hanggang dito lang kayo. Nakakailang na may lalaki na nagbabantay sa pintuan ng restroom ng mga girls." Dahilan niya habang nakikiusap sa mga lalaki, pero tila walang naririnig ang mga ito at hindi nagsasalita. Kapag hihinto siya ay humihinto rin ang mga ito sa paglalakad, kapag naglalakad siya ay nagsisisunod ang mg ito. Nalukot ang mukha niya. Kapag minamalas ka nga naman! Pagdating sa pintuan ng restroom ay huminto uli siya. "Wag niyo sabihin na papasok din kayo rito sa loob?" Kaasar n

