CHAPTER 13 “AND, AT five o’clock, meeting with Mr. Hu of Hu Enterprise,” ani Denver, ang secretary ni Santi. Santi is on the car with his secretary. Katatapos lang niyang makipag-meeting sa ilang investors. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa The Medical City para dumalaw saglit sa isang kamag-anak. “How about next week?” walang emosyon na tanong niya. “Is my schedule full?” Sinulyapan ni Denver ang hawak nitong organizer. “Wednesday afternoon at buong araw ng biyernes, libre ka, Boss.” “Alam mo na ang mga dapat gawin sa mga libreng oras na iyon,” aniya. “Yes, Boss.” He was working for him for the past three years. Alam na nito kung ano ang tinutukoy niya. Alam nito na gusto niyang punuin ang schedules niya. Appointment dito, appointment

