Chapter 48 Keitlyn's POV Natapos ang usapan namin ni Aether sa kasunduan na magpo-focus kami sa pagkumbinsi kay Batuk. Bukas na bukas ay magsisimula na kami sa pagpapadala ng sulat para sa kanya. At tulad rin ng pinag-usapan namin ni Aether ay hindi namin titigilang ang pagpapadala sa kanya ng mga sulat hangga't hindi namin nakikita ang interes na gusto niyang makiisa sa aming alyansa. Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Aether hanggang sa napagpasyahan ko na ang umuwi dahil hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi. Nang makarating naman na ako sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na pagod. It has been a productive day kahit pa sabihin na sabado ngayon. Kahit na mostly sa ginawa namin ni Aether ay gumala lang talaga, feeling ko ay napaka

