Chaptet 14 Keitlyn's POV Ayoko na ako pa ang maging dahilan ng pagkapahamak ni Aether kaya hangga't maaari ay nasa kanya lang ang atensyon ko lalo na kung nasa mataas na bahagi na siya ng kanyang paglipad. Aether is riding up there smoothly. Wala naman akong nakikitang struggle niya o anumang banta na maaari siyang magkaroon ng problema. Sa mga oras pa lang na ito ay alam ko na agad na nagtagumpay nga siya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanood si Aether na nagpapaikut-ikot sa ere para magpatuloy sa pag-try sa sasakyan niya. Hindi ko lang siguro maitago ang labis na tuwa dahil nagawa niya. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay unti-unti na siyang bumababa pabalik sa akin. Agad ko namang tinaas ang kamay ko sa ere para makipag-apir sa kanya. Inapiran naman niya ako

