Chapter 86 Keitlyn's POV Dahil sa alam ko na rin naman na maaaring magbago ang isip ni Aether sa oras na maging totoo ako sa nararandaman ko ay nagkaroon ako ng pag-aalinlangan na umamin sa kanya. Pero naisip ko that it is now or never. Mabilis na lang na lilipas ang oras namin dito sa Weigand at hindi ko na mamamalayan na panahon para magkalayo kami. Kaya ayoko nang sayangin pa ang pagkakataon na ito kung saan maaari ko pang bigyan ng linaw kahit papaano ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko na baka hindi na kami magkaroon ng ganitong klase ng pagkakataon kung hindi pa ako magsasalita. Ngunit paano ko sisimulan ang mga gusto kong sabihin sa kanya gayong nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Lalo pa at nakikita ko na ganito na lamang ang pagiging seryoso ni

