Chapter 77 Keitlyn's POV Hindi ko naman na pinag-aksayahan pa ng oras na isipin pa kung para sa akin ba ang concern na nararamdaman ni Ginger dahil anuman ang magiging sagot ay mag-iiwan pa rin ng tanong sa akin. If she would say no, she is not concern about me, magtatakha ako kung bakit ganito na lamang siya ka-affected sa nangyayari sa amin ni Em. Ngunit kung ang isasagot naman niya sa akin ay oo, nag-alala siya ay mas lalo lang naman akong magtatakha kung bakit bigla siyang nagkaroon ng pakialam sa akin. There is also a tendency na hindi ko siya paniwalaan. Nagpatuloy kami sa ginagawa naming pagkain ngunit hindi nakakaligtas sa paningin ko ang mayamaya pa rin na pagsulyap ni Ginger sa table nina Em. At alam ko na ganu'n pa rin ang ginagawa ni Em. She is still talking behind my back.

