Chapter 50 Keitlyn's POV Tulad na nga rin ng napagplanuhan namin ni Aether, kinabukasan ay maaga pa rin kaming pumasok. Ngunit ito na rin ang huling pagkakataon na magiging ganito kami ka-aga dahil ito na rin naman ang huling beses na maglalagay kami ng sulat sa upuan ni Batuk. Mahikayat man namin siya o hindi ay wala na itong kasunod pa. Muli kaming nagkita ni Aether sa ranger at sabay na umakyat sa classroom nina Batuk. Hindi naman na namin pinag-aksayahan pa ng oras na i-check ang basurahan dahil wala namang susunugin si Batuk kahapon dahil hindi na namin nagawa pa na iwan ang sulat. Itong sulat na lang na 'to ang kailangan niyang mabasa. And there stated kung saan at anong oras kami makikipag-usap sa kanya. Kahit na hindi namin inaasahan na gugustuhin na ni Batuk na makilala kami a

