Nagsalita ang mga katutubo sa sarili nilang lenggwahe, at kahit pa may ibang hindi naiintindihan si Lander pero nagpapasalamat pa rin siya sa ginawang pagtulong ng mga ito dahilan sa pag-atras ng mga kalaban. Nakangiting yumukod siya sa mga ito bilang pasasalamat. Pabalik naman siyang nginitian ng mga mandirigmang katutubo at inangat ng mga ito sa ere ang tig-iisang hawak na baril na kung sa interpretasyon pa niya ay 'tumanaw lang sila ng utang na loob.' Kinuha naman niya ang isa pa niyang baril at mga natitira pang magazine para ibigay ito sa pinuno ng mga katutubo. Malugod ito na tinanggap ng pinuno nila at nagsalita na naman ito gamit ang sariling lenggwahe. Itinuro nito ang braso niya na may kagat ng ahas. Na parang nagtatanong kung napano ito. Nakalimutan na rin kasi niya na kinagat

