Dahil sa bilis ng pangyayari hindi na nakuha ni Samina na warningan si Lander nang barilin ito ng kasamahang si Royet. Talagang natulala siya nang makita niyang duguang bumagsak si Lander sa sahig at namimilipit ito sa sakit. Inangat muli ni Royet ang baril nito at inasinta siya. Si Royet pala ang taksil sa grupo. Alam niyang papatayin sila nito at hindi niya hahayaan yon. Nang bunutin niya ang baril, Jenan swept her legs from under her, knocking her to the floor as a shot exploded. My God! Hinarang ni Jenan ang katawan nito upang hindi siya matamaan. Sinagip siya nito pero ito naman ang napahamak. Mas lalo lang dumoble ang pagkatulala niya nang duguan sa dibdib si Jenan at wala na itong malay. Oh, God. Pinatay ni Royet si Jenan. Baka isa sa kanila ni Lander ang isusunod nito. Rolling

