"Alejandro Velasquez." bulong ni Samina habang pinalandas nito ang daliri sa dibdib ni Lander. Mahigit sampung beses na yata nitong pabalik-balik na sinambit yon na parang ibang lenggwahe na pilit nitong e-memorize. Sinamyo-samyo naman niya ang buhok ng dalaga. "Gusto ko ang tunog ng pangalan ko pag ikaw ang sumasambit non." "Gusto ko rin naman na tawagin ka sa totoo mong pangalan eh, pero mas makabubuting Lander pa rin ang itatawag ko sayo para na rin sa seguridad ng pamilya mo." "Yeah, that would be the best. Bukod kasi sa pamilya ko, ikaw lang at si Jazz ang may alam sa totoong pangalan ko. I'd like to keep it that way." Magkatabi sila ngayon sa kama balat sa balat, habang kalahati lang ng hubad nilang katawan ang natatakpan ng kumot. Kung pwede ngang magkatabi na lamang sila habamb

